Eisha POV"La La La La La" kasalukuyang nagdidilig ako ng halaman dito sa garden nang matigil ang kanta ko ng marinig ko si kuya Aldrich na sumisigaw sa loob, kaya inistop ko ang ginagawa ko at sumilip sa kanilang dalawa.
"Mom, nasaan po yung sapatos ko?!"iritadong sabi ni kuya habang hinahanap ang sapatos nya sa kanyang shoe rack.
"Aba, ewan ko sayo, gamit mo yan, kung saan-saan mo pinaglalalagay tapos ngayon sa akin mo itatanong." kalmadong sabi ni mommy kay kuya habang si kuya naman di mapakali.
"dito ko lang po kasi inilagay yun eh"
"saan ba ang lakad mo?" sabi ni mommy at tinulungan na din si kuya maghanap.
"mom, magkikita po kami ni jasmine ngayon eh"
"ah,kaya pala bihis na bihis ka at uhmm... Ang bango-bango mo pa anak" sabi ni mommy at inamoy si kuya
"mom naman eh"
"hahaha binata ka na talaga, o eto na yung sapatos mo, eto lang sa ilalim o" pagkabigay ni mommy ay agad na sinuot ni kuya kaya tinuloy ko na ang pagdidilig baka mahuli pa ko ni kuya.
"Sige Mom, alis na po ako" pagkasabi ni kuya ay lumabas na sya pero pagkalabas nya ay umistop si kuya.
"Uy, Lalaine pangit pagkatapos mo dyan tulungan mo si mommy sa loob" sabi nya at saka lumabas na ng gate.
"Opo, mahal na hari" pahabol na sabi ko sa kanya.
Pagkatapos kong magdilig ay pumasok na ko at pumunta sa kusina para uminom ng sakto naman tapos ng magluto si Mommy.
"O tapos ka na?" tanong ni mommy
"yes Mom"
"Ah so tara na kumain na tayo" kaya naghain na kami at kumain na habang kumakain kami ay naitanong ko kay mommy ang tungkol kay kuya.
"Mom, saan po yung lakad ni kuya?"
"Ah si Aldrich makikipagkita daw kay jasmine"
"jasmine?, sino yun mom?"
"Ah nililigawan ni kuya mo".
"Nakita nyo na?"
"Hindi pa pero sinasabi nya na may nililigawan sya at ngayon ata nag-aya yung jasmine na lumabas sila kaya itong kuya mo ayun nagmamadali"
"this is so interesting" pabulong na sabi ko
"huh??"
"wala po Mommy, tapusin na po natin ang pagkain natin".
Pagkatapos namin kumain ni mommy ay ako na ang naghugas ng pinggan at agad na umakyat sa kwarto ko.
Masama man ang naiisip ko pero kailangan kong gawin para makilala ko yun ,kaya hinanap ko ang number ni charlene at tinawagan.
[hello?] si charlene habang kausap ko sa phone.
"hi charlene, busy ka ba ngayon?"
[actually, ou eh eisha pasensya na ah nag-aya kasi si mommy magpasalon]
"ah it's ok charlene mommy mo yan I understand"
[salamat pasensya na talaga]
"ok lang ano ka ba, so bye bye enjoy"
Pagkababa ng telephone ay naligo na ko at nag-ayos, ako na lang mag- isa ang aalis.
•••
Nandito na ko sa mall pero hindi ko alam kung saan magsisimula maghanap kila kuya kaya dumiretso ako sa department store para mamili ng damit ng mahagip ng mata ko si kuya na may kasamang babae at kasalukuyang namimili ng blouse.
BINABASA MO ANG
Forgivable Mistake
ChickLitMistakes are always FORGIVABLE if one has the courage to admit them. - Bruce Lee Lahat ng tao nagkakamali sa iba't ibang bagay, sa desisyon, at lalo na pagdating sa PAG IBIG. Pagkakamaling nakakapagpabago ng pinagsamahan, at ng pagtitiwala. Maling D...