Habang nakatingin ako sa ganda ng ulap,
palaging mukha mo ang nakikita sa alapaap.Tila'y sa araw araw ,ikaw na ang aking
pinapangarap.
Sa gabing malalamig ang sandali, aking hinihiling na ika'y kayakap.Teka lang muna,
may sasabihan ako sa'yo ngunit sana'y ika'y makinig at makaunawa.
Aking sasabihin kung ga'no ako nabaliw sayo dati,Sinta.
At tila ang lahat ay napakasariwa pa.Akin pang naaalala ang mga nakaraan,
Hindi ito maalis-alis sa'king isipan.
Akala ko kase no'ng una ikaw ay isang uri ng babae na suplada,
Palagi kasing nakakulobot ang iyong noo sa'yong mukha.
Hindi ka man lang nagsasalita,
Pero ramdam ko ang iyong saloobin ay maganda.Alam kong may iba ka nang gusto,
Pero kasalanan nga bang ikaw ang ginugusto?
Kasalanan nga ba'ng kinulong kita sa isip ko?
Kasalanan nga ba'ng ikaw ang pinili ng puso?
Pasen'ya dahil ako'y nagpadala sa tukso.
Alam kong hindi mo ramdam kung ga'no kita ka-gusto .No'ng una kitang nakita,
Alam moba kung ga'no ako kinilig at natuwa?
Mga mapang akit mong mga kutis at mata,
Tila ba'y sa'yo kolang 'yon nakita.
Akala ko talaga ika'y isang napaka supladang prinsesa.Hindi ko pinilit na sayo'y mahulog,
Hindi ko ginustong sayo'y mapaibig.
Sakit ba talaga ang dulot nitong pag-ibig?
Sa una lang ba talaga ang kilig?
Lahat ba ng pag-ibig ay sakit lang ang ipinapahiwatig?
Pero pilit ko paring pinagtutugma ang isang tula ,kahit hindi pwedeng magtugma.Alam kong ito'y aking kahibangan lamang,
Ginawa mo'kong silungan sa isang napaka lakas na ulan,
At batid ko na aalis karin kapag ito'y tumahan.
At maglilihis ka ng bago 't matuwid na daanan.Para kang isang bahaghari,
Sa liwanag na dulot mo'y mapag kunwari
at sa pagtakip sa ng araw ,alam kong hindi ka mananatili sa'king tabi .Pero sa ngayon hayaan mo'kong ika'y aking ibigin,
Hayaan mo muna akong ika'y protektahan upang hindi ka nila salingin.
Hayaan mo muna akong makita ang kumikislap mong ning-ning sa mga gabing madilim,
Hayaan mo na muna akong ikaw ay makapiling hanggang mawala sayo ang aking pagtingin.Hanggang sa huling kabanata.
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig