Titindig ako,
kagaya na aking ipinangako;
Kahit sabihin nilang
tanga ako, ay gagawin
parin ang lahat kahit maubos
ako
Kahit mapagod ako
minu-minuto ay gagayak
parin ako patungo sa'yo
Kahit tahakin ang lubak-lubak na
daan, — maging pitak man
ako ng bato ay mananatiling buo ako
sa'yo at sigurado
Tangayin man ng ipo-ipo,
maanod man dahil sa bagyo,
at kahit pumailalim pa sa
ilam ng barko ay sisikapin kong
makatindig upang ika'y mapasaya't
masuyo
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)