ang daming kantang
napakinggan na
tila'y paulit-ulit at nakakasawa
andaming katanungan saking isipan
at hindi ito masagutan
ang daming pangarap ang
nasimulan pero ni isa
walang nabuo't nagawa
ang mundo ko'y walang
katahimikan at walang kabulahan
nang matagpuan ko
ang tunay kong tahanan at silungan
nagbago ang lahat ng matagpuan ang
isang dalagang sa'king paghikbi ay
magpapatahan
naghintay ako ng marahan
at dumating na nga
ang magpapakinang sa dilim
ng mga buwan
at magiging yero sa tuwing
umuulan
at ang magkukumpleto sa 'king
kakulangan
siya ang pintura at
sa'king buhay siya ang nagpinta
siya ang nagbihay lakas
sa tuwing ako'y nanghihina
siya ay lumilitaw sa tuwing
gusto ko nang bumitaw
siya ang naging ilaw sa tuwing
ako'y namamanglaw
siya ang naging mapa sa tuwing
ako'y naliligaw
siya ang naging tagapag-init
sa tuwing giniginaw
siya ang naging sandalang
sa tuwing nag-iisa
at siya ang nag-alis ng kaba
at ginawa itong saya
hindi ko akalaing ikaw pala
ang magkukumpleto
ng mundo ko,sinta
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)