G1

61 10 3
                                    


Sa Pilipinas kung sa'n uso ang mambintang,
Napupuno ng mga manlolokong nilalang.
Mga taong ginagawang laro ang pagpaslang,
Kung ayaw mong madamay,manahimik ka nalang.

Sa likod ng pangyayari,laging may k'wento,
Yung katotohanan at tsaka yung imbento.
Pikit-mata ang mga tunay na testigo,
Hinahayaan ang mga bayarang manloloko.

Gan'to ba tayo sa lupang sinilangan?
Lahat nais mang-agaw ng kapangyarihan?
Makasimpatya kunwari sa karamihan,
Iiwan ka naman kapag nagkagipitan.

Talo na tayo mula pa no'ng una
Pinaniwalaan ang ilusyong likha,
Ng mga taong duwag, magaling lang magbanta
Sa di pagsang-ayon may kapalit na tingga.

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon