Nakasilip sa bintana ng inyong kuwarto,
hinahanap ang kakaiba mong wangis
na kailan man ay hindi magagaya ng ibang
tao.Pinagmamasdan sa malayo
ang 'yong mapang-akit na mga mata,
nais nang masilayan araw-araw
ang maamo mong mukha,
hinahangad na balang araw ay
mapasakin ka.Inaatake ng kilig kapag
ika'y kinakausap,
dinadala sa biro't asaran
ang hindi masabing
nararamdaman kapag ikaw ay
kaharap.Nahulog ako sa matatamis
na tinig na lumalabas sa mga
mapupulang labi mo,
gusto kong isinasambit
mo at kung paano
mo ako tinatawag sa nag-iisang
pangalan ko.Alam kong iba ang 'yong hanap
sa katangian ng lalaki;
mataas,matalino ,
mabango't guwapo.Wala ako niyan kahit isang karamput,
hindi man ako maginoo pero ako'y
talentado.kaya kitang alayan ng bulaklak,
sasabayan ka sa kaginhawaan at paghihirap,
kakantahan ka hanggang ang boses
ay maging sintonado na,aalayan ka ng mga tulang kahit
mangalay pa ang kamay sa kakasulat
ay magpapatuloy parin ,sintaikaw ang magiging reyna sa[
kastilyong aking ginawa,tayong dalawa ang maghahari
sa kahariang pantasya
na kahit sino ay walang makakagiba,at sana'y madinig ni Bathala
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoesíaAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig