Nakikita ko sa'yong
mga mata na sa akin
ay wala kanang gana
na sa akin ay hindi ka na
masayasa mga mensahe na iyong
pinapadala ay ramdam ko
na sayo ay wala na akong halaga
di kona naririnig ang iyong
tawa at hindi ko alam
kung paano ka ulit
mapapaligaya
at alam ko na naiinis ka
dahil puro ako pangako
pero ni isa'y walang nabuonauubusan na ng tinta ang aking
pluma
nauubusan na ng ideya upang
makabuo ng mga tula
wala nang maisip na mga storyang
kwela upang ika'y mapasayaunti-unti na akong didistansiya
dahil alam ko na sagabal lamang
ako sa mga plano mo,sintahindi naman kita kakalimutan
dadalhin ko ang bawat payo mo
sa aking pupuntahanayoko na muling makita kang
naiirita sa'kin
dahan-dahan ko nang bibitawan
ang aking nararamdaman
na pagtinginmasaya na ako kung nakikita
kitang masaya sa ibang tao
ngumiti ka palagi katulad ng parati
sulitin mo ang bawat oras pareho ng
datiwag kang magmakaawa sakin at
wag mo narin akong alalahanin
lalakad ako ng palayo at tuwid
at iiwasan ko naring mapatidsayo'y may nakalaang karapat-dapat
na sa puso mo ay magiging tapat
at sa kanyang pag-ibig ay walang tatapat
kahit tumbasan pa ito ng apatpatuloy ka paring
susulatan ng tula
patuloy kaparing
ilalahad sa mga
ginagawa at gagawing kong
storyaat ikaw parin ang magiging
piyesa na sakin ay hindi
makukuka ng ibamag-ingat ka ,kaibigan/sinta
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoesieAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig