M18

16 3 0
                                        

Ang aking ina ay napakamasarili;

Sa lahat ng problemang
kanyang kinakaharap
ay hinding-hindi mo siya makikitang
humikbi,

Pero ang luha't lungkot niya'y
hindi maitatago o maiisangtabi
dahil mararamdaman mo ang sakit
na kanyang akbay-akbay at inaakay
sa lumipas na mga araw at gabi.

Napakasinungaling nila;

Sa mga panahong kinakaya nila
ang mga bagay na mabibigat at
kahit alam nila na ikakabaldado
ng isipan at katawan nila,

Kahit mahirap ang kanilang sitwasyon
ay piniling mamaluktot sa napakailling kumot
para lang kami ay maprotektahan
sa lamig at sa mga mapesteng lamok.

Ginawa ang lahat ng makakaya't magagawa
para lang iparanas ang tinatawag na kaginhawahan,
Pinasan ang mundo upang subukan kaming ialis sa kahirapan at maranasan ang kapayapaan.

Halos buong buhay ko'y natunghayan
ko ang kanilang pagdaranas ,
Masaklap ang kanilang naramdam
sa panahong lumipas at halos ang buong
katawan at puso'y napuno na ng gasgas.

—dahil alam niya na ang lahat ng sakripisyo't
paghihirap na kanyang ginawa at ginagawa
ay may malaking katumbas,
at alam ko, na ang pagmamahal at
pawis na kanyang ibinigay ay para rin
sa ikakabuti at ikakatikas ng aming bukas.

Maraming salamat sa iyo,Aking magiting
na tagasuporta't tagapag-alagang Ina.







Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon