inaala ang dating pagsasama
bawat tingin mo'y
hatid sa 'kin ay ligaya
naaalala kapag may
problema ikaw ay nandiyan
upang ako'y gabayan at
gagawan ng kakornihan
para lang
ako'y mapasaya
ang mga nagdaang kahapon
tila'y sariwa pa
mga ngiting hindi
matutumbasan
ng libo-libong ginto
kapag nasisilayan ang
iyong mga mata tila ang araw
ko'y buo
anong kilig ang nadarama
kapag kapiling kita
mas maganda kapa keysa
kay paraluman ,sinta
di ko namalayang
sayo'y nahulog na
di na ako sanay kapag
wala sa aking tabi
ikaw ang laman ng panaginip
sa tuwing gabi
ikaw ang nagpabago sa
king sarili
hinihiling na sana'y magkita
muli
para tumigil na aking
paghikbi
ngayong malayo kana
palaging hinihiling na ika'y
ingatan niya
palagi kitang ipagdarasal,sinta
mga yakap ay ipapadala
sa mga sinusulat na tula
upang mayakap kita sa tuwing
nilalamig ka at nag-iisa
nandito lang ako ,sinta
wag kang mag-alala
kailan man di ka nag-iisa
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)