kailan ma'y hindi hadlang
ang estado sa buhay
upang sa mga pangarap ay
magtagumpay;
minsan, nadadapa't
nalulugmok tayo sa problema't
kahirapan dahil
sa pagkakamali ng ating nakaraan
bagama't lahat ng tao'y nabibilang
sa sangkatauhan pero hindi nakaloob
dito ang panghusgang panlipunan
hindi mo naman kailangan pakinggan
ang mga hinain ng na sa'yong kapaligiran
ukol sa'yong kakulangan—
subok lang nang subok, kunin
ang panganib kung kinakailangan
dahil wala namang mawawala
kung susubukan
sa pag-asa'y huwag bumitaw
dahil baka sakaling bukas
sa'yo na ang pamamanaag-araw
padayon;
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)