M9

22 8 0
                                    

palaging mong sinasaktan
ang iyong sarili
hindi ka na katulad ng dati
palala ng palala ang iyong paghikbi
tinatago mo ang patak ng luha mo
gabi-gabi
hindi mo alam na ramdam ko
ang ang hapdi
sa kalungkutan ikaw ay nananatili

ang sarili ay inaaliw
ang isipan ay nababaliw
at nagtatanong palagi
" bakit nga ba siya? "
alam kong ika'y nalilito
ang kaisipan mo'y gulong-gulo

"bakit nga hindi ako?bakit
hindi  pwedeng maging tayo?
"Oo,nga pala hindi ako mayaman at g'wapo"

kinakausap mo ang sarili mo!
napapasobra kana sa kabaliwan mo!
kailan ka titigil?
di mo alam kung gaano ka
nakakagigil !

hindi mo lang natagpuan ang tunay
tatanggap ng katauhan mo,kaibigan

hindi mo pa nakakasama ang
magpaparamdam sayo ng tunay na ligaya

hindi mo alam kung saan at kailan siya
dadating sayo
may makikilala kang tunay na tatanggap sa
buong pagkatao mo

wag kang magmadali
hindi naman yan pinipilit
magtiwala ka sa proseso
hindi habambuhay ikaw ay
magiging preso
sa sariling kalungkutan na
ginawa mo

may nakatakdang tamang tao
maghintay ka sa tamang t'yempo

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon