G2

56 9 4
                                    

Marami sa gobyerno ang yamo,
Pagmamalakad nila ay tagilo.
Ang hustisya'y sa maperang tao,
Samantalang ang mahihirap na tao'y,
salasap ang kanilang binubuno.

Isang kahig,isang tuka,
paulit-ulit na gawi ng dukha.
Pati halalan sa bansa'y nilililo,
Pagkat nasisindak sila sa pagkatalo.

Sinilang sa bansang may sala,
Ikunulong kami sa malaking hawla.
Na kami mismo ang gumawa,
Dantaong lumipas pero di makawala.

Ang pamumuno ng gobyerno'y
palamara ng palamara.
Tayo ay nagiging pusong dahil ,
sa politikong habol ay pera.

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon