Noon ay tag-araw
Panahon nga'y mainit ,anong alinsangan,
Aking katawa'y lagi ng pawisan,
Malamig na tubig ,kinasasabikan,
Pati rin pagligo'y dinadalas-dalasan.
Ang milon,singkamas at pakwang malaki,
Palagi ring hinahanap at binibili,
Munting bangkang papel ay agad isinasantabi,
Saranggola naman ang iniintindi.
Ngayon ay tag-ulan
Panahon ay malamig ,o kay ginaw,
Lagi nang makapal itong kasuotan;
Ang patak ng ulan sa tuwing matatanaw,
Tila butil perlad ,kahambing ng yaman.
Pagtigil ng ulan,tiyak na may baha,
Ang bangkang papel ay hahanapin bigla,
At papaanurin hanggang mawala;
O nasaan ka na nga,aking munting bangka?
Tag-araw ...Tag-ulan ay kapwa makulay
Na bahagi nitong buhay-kabataan;
Kung wala ang araw,kung wala ang ulan,
Paano mabubuo itong karanasan ?
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)