WP2

18 7 0
                                    

Maestra ,maestro,guro,manunudlo kahit
ano man yang  tawag sa kanila
iisa lang naman ang ibig-sabihin,
ang nagtuturo ng kabutihan sa ating
lahat at upang sa katotohan tayo'y maipamulat.

Maestra't maestro
maraming salamat sa inyo,
tumayong ikalawang mga
magulang ko .
Tinuwid niyo ang kaugalian kong
pagiging tarantado,
sa kasamaan at kabulakbulan
sa'kin ay ipanalayo,
pinaiwas sa masasamang bisyo
at ang pagiging responsableng
mamamayan ng pilipino,
pagiging masinop,pagiging mapagkumbaba,
pagiging respetado sa bata man o nakakatanda at marami pang iba,
ang lahat ng 'yan ay inyong ginawa upang
kami ay mapaunawa sa'ming ginagawa.

Oo,hindi kayo perpekto at hindi rin
kayo pare-pareho,
may maldita,may maldtito,mainitin ang
ulo at syempre may magandat' g'wapo
pero alam kong kayong lahat ay may ginintuang puso.

pandemya'y di alintana,
sinusuong ang rumaragasang baha,
gumigising ng maaga upang maghanda't magligpit dahil malayo pa ang
lalakbayin nila,
isinantabi ang mga problema
ng pamilya ,pumapasok at
nakakapagturo  parin ng maligaya.

sa mga gabi ay humikbi,
sapagkat alam kong nahihirapan
na ang inyong mga kaisipan at sarili.

Lahat ay isinakripisyo para lang
matupad o magawa ang serbisyo,
mga sarili ay nilagay sa peligro
para lang makapagturo,
nilagay nila ang kanilang sarili sa
hukay kahit may kaliitan ang suweldo
kaya sa simula't dulo
ako'y saludo sa inyong lahat na
manunudlo.

Sa bagong pag upo ng bagong pinuno,
Sana'y maranasan ang tunay na sarap ng pagbabago.
Hindi yung parang aso ang trato sa maraming Pilipino,
O di kaya nakaw lang ang intensiyon niyo sa kaban ng bayan upang
ang inyong bulsa'y mapuno?

"Taasan ang aming suweldo!"
hinaing ng lahat ng mga guro
at sana'y matupad niyo na ang
itinakda niyong pangako

wag po kayong susuko
kaya niyo yan at patuloy lang
sa pag-usad
panatilihin ang paglipad
kaya niyo!
padayon mga maestra't maestro



Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon