Simula ng ako'y magkamuwang
Panulat at pluma'y nakagisnan
Kakayaha'y kinubli't mag-isang tinindigan
Kahit tawaging makatang mukhang-mangmang
Panulat ay mananatiling maglalagablab
Pluma ay mananatiling matingkad,
Magsusubok magpabagsak ng matataas
At mapangutyang walang kasingkatulad
Mga kasinungalinga't kasamaa'y ibabalibag
Gamit lamang ang panlilimbag,
Pupunteryahin ang gobyernong malibág
Kahit ang saríli'y mabilad
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)