Matagal tagal na rin pala ,
Nung huli akong sumulat ng tula
Pero hanggang ngayon,
Ikaw parin ang pangunahing paksa.
Sinubukan kong lumayo at mag isip,
Pero sa isipan ko,ni minsan
di ka nawaglit.
Inuulit ko parin pakinggan
Ang matatamis at nakakaakit mong tinig,
Na nagpapakalma sa king nagwawalang dibdib.Ilang beses kong ibinaling
Ang atensyon ko sa ibang bagay,
Pero sa tuwing sinusubukan ,
Lagi nalang sumasablay.
Inuulit kong basahin
ang iyong nakakamanghang tula,
Na kahit'sandaang beses ko pang nabasa,
Hinding hindi ako magsasawa.Nangagati ang kamay,
Na tumipa at magpapadala ng mensahe,
Ngunit di ko naman alam ang sasabihin,
At kapag ika'y aking kapiling,
Di alam kung ano ang gagawin.
Hindi ko inakala na susulpot ka pagkatapos
ng ulan,
Ngunit katulad ng bahaghari,
Sa kalangita'y saglit kalang mananatili.At alam mo bang kasing ganda mo ang bituin,
Kumikinang ,nakakaakit,nakakasilaw,
Ngunit di kayang abutin.-janceegabral.
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig