buong katawan ay
nanginginig
dahil sa hatid ng hangin
na napakalamig
kasabay ang pighati
sa'king dibdib
nawawalan na ng gana
gustong humiga buong araw
sa kama
sa mga lungkot ay
nagpapakumot
umiiyak palagi gabi man
o umaga
ang dating buo
ngayon ay negatibo
naghihintay ng kamatayan
palaging nagtatanong
kung kailan .
walang matatakbuhan
sa tuwing may kailangan.
walang maiiyakan
sa tuwing may pinagdadaanan.
sa isang kwadrado nakahiga
at ang kadilima'
kinikmkimmag-isa,
walang makausap ni isa,
palaging may katanungan
pero ang lahat ay walang
kasagutan.
sa buhay ay sawi,
ang dating puno ng ngiti
ngayon ay puno na
ng hikbi
ang dating malinis
ngayon ay marumi
gustong gusto nang
magpahinga
para ang sakit ay hindi
na muling mainda
para ang mga kathang-isip
ay mawala na
para ang mga tanong ay
masagutan na
para ang mga tao sakin
sa ay hindi na ulit mairita
sapagkat ayoko nang uli
sa inyo gumambala
paalam,na sinta
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)