ikaw ang naging inspirasyon
ng aking bawat piyesa
ikaw mismo ang nagpuno ng
tinta sa nag-iisa kong
pluma
hayaan mo akong
gabayan ka sa tuwing
ikaw ay namamanglaw at
naliligaw
ako ang magiging alipin na
sasama sayo pabalik sa kaharian mo
ang ang magiging tagapagdigma
upang maprotektahan ko
ang iyong palasyo
sarili ko ang sasangga sa mga
balang nakaamba sayo
ako ang magpapatayo
sayo sa oras na ika'y
lumpo
ako ang kaakbay mo
sa kalayaan ay patungo
ako ang magiging mapa
papunta sa taong magpapasaya
ng puso mo
ang lahat ay handang isakripisyo
para lang sayo
si Ako ay handang makipaglaban
kahit kamatayan para lang ikaw ay
maprotektahan
nang makita ko ang
kislap ng iyong nga mata
tila'y nagsalpukan ang
buwan at tala
pero sa una alam ko
malabo na maging tayo
langit ka samantalang
lupa ako
hindi pwedeng maging tayo
sapagkat ang distansiya
ay napakalayo
ika'y bituin sa kalangitan
na nag ilaw sa kadiliman
pwede kang pangarapin
pero hindi pwedeng angkinin
boses mo ang naging musika
sa tuwing ako'y nag-iisa
ikaw ang nagpapanginti at
nagpapatawasa tuwing
nababalisa
hindi ako ang dakilang mangigibig
pero salamat at ika'y tumitindig
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)