M24

9 2 0
                                    

kasalanan nga bang
umibig sa kapareho
kong kasarian?

kasalanan nga bang
gawin kitang tahanan?

kasalanan nga bang
ikaw ang naging silungan
sa matinding tag-ulan?

handa kong ibigay ang lahat
hanggang magbukang-liwayway,
para sa pag-ibig na handang
ibuwis ang buhay

kahit ang pagmamahalan natin
ay madungis sa karamihan,
hindi ako magdadalawang isip
na ika'y panindigan

libo-libo man ang
gumambala sa ating daana'y
patuloy kitang ipaglalaban
kahit ang hininga'y lumisan

ako ang mangingibig mo
kahit anong unos ang dumaan,
Dahil hindi hadlang ang kasarian
para tayo'y magmahalan

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon