Halina't tuklasin wikang pambansa;
Ating tapusin nasimulang tika.
Mga bayaning nagbuwis hininga,
Para wikang pambansa'y maisalba.
Sa akin kayo'y bumilib,
Wikang Filipino'y unti-unting nanganganib.
Ating Sariling Wika'y ibuklod-buklod,
Wika'y ipalaganap sa sansinukob.
Ating Buuin ang pitak,
Na dating luma't wasak.
Sa pag-unlad wag masindak,
At sa pag-asay nakakatiyak.
Walang maiiwan sa pag-usad,
Sabay-sabay ang pilipino uunlad.
Wikang Filipino ating ilunsad,
Sa buong mundo'y lilipad.
BINABASA MO ANG
Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]
PoetryAng Mga Inipon Tula at Prosa ay tungkol buhay ng tao at pag-ibig
![Mga Inipong Tula At Prosa [UnEdited]](https://img.wattpad.com/cover/311571747-64-k931729.jpg)