GV

14 3 0
                                    

Ako'y isinilang sa bansang may
kapansanan,
bansang punong-puno
ng bintangan at sisihan.

Ako'y isinilang sa bayang
napapaligiran ng inggitan
at kasakiman,
bayang balita ay halos
napupuno  ng saksakan
at putukan;
kahit sa telebisyon, radyo, at iba pang
pahayagan ay balita ng kasakiman
at patayan.

Ako'y naninirahan sa isang
kapaligiran na ang mga tao'y hindi
pare-pareho,
iba't ibang mga paniniwala,
iba't iba ang tinururo, at samu't
saring ihemplo.
Ang aking tinitirhang kapaligiran
ay delikado;

Pilipino laban sa Pilipino.
Lahi sa lahi para sa inaagawang
pwesto para may kapangyaraihan
at makapagnakaw ng datong kapag
nakaupo na sa politiko.
Pilipino pa ba tayo kung
tayo-tayo rin naman ang ugat ng gulo?
Pilipino pa ba tayo kung tayo
ang nag-uubusan nang sarili nating dugo?. .  ,

Masaklap man isipin pero sa simula
tayo ay talo at hindi ito kasinungalingan
dahil ito'y totoo.

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon