K1

30 7 0
                                        

umiiyak ka na naman
sa walang kabuluhan
araw gabi ka nalang nasasaktan
ano na naman ang nangyari
sayo ,kaibigan?
mukhang araw-araw ay
namamatayan ka ng kasintahan
palagi ka nalang iniiwan
palagi kang umaasang ika'y
babalikan

no'ng isang araw ay nakita
kitang may kahalikan
tila'y ikasampu mo na 'yan
at ang relasyon niyo'y
hindi man lang umaabot
ng isang buwan

sarili mona ang iyong sinasaksak
bawat pag-ibig mo'y bumabagsak
at sa paglagapak ay nagiging iyak
palaging kang pinagpapalit
sa mga taong may tupak
at ang pusong mong buo dati
ngayon ay nabiyak
nasaan na ang sabi mong nasa
huli ang halakhak?
bakit naging isang pitak?

ika'y muling sumabak sa pag-ibig
pero ang puso mo ulit ay biglang
napatid
sapagkat ang kasintahan mo'y
inagaw ng iyong kapatid

puso mong nagmahal ng matagal
ginagawa ka niyang hangal
sa kanyang pag-ibig ikaw ay
nasasakdal
ngunit pera lang pala ang habol
at ang pagsasama'y hindi
rin nagtagal

kailan ka magbabago?
kailan kapa matututo?
hindi mo nasasisilayan
ang puso mo'y nagiging  uto
isipin mong merong nakatakdang
tamang tao
wag kang magmadali sa buhay
pag-ibig mo
magpahilom ka muli upang ang puso
mo'y muling mabuo

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon