Chapter 7

801 16 2
                                        

Mace Alquiza

Alana was clinging on my arm as we walk to the wide oval going to the nearest bench. Katatapos lang ng pangatlong exam namin for this second day and para na kaming lantang gulay na naghihilahan para lang makarating sa lilim ng puno at doon magpahinga. It’s quarter to three in the afternoon. Pakiramdam ko ay na drain ang utak ko sa hirap ng mga subjects at questions sa exam. Tho I’m confident that I answered most of them correctly, but there is still a possibility that I will fail. Nagahol pa ako sa oras kanina kaya mas lalong hindi ko alam kung magiging ayos ang kalalabasan noon.

Alana sighed heavily as she stomped her feet, nakabusangot pa. Hinila ko ang braso niya para ako na ang umangkla dahil nagpapabigat na siya. Kanina pa siyang nagrereklamo na ang hirap ng exam at isama pa ang terror naming proctor kaya hindi niya ako matanong kanina dahil walang oras na hindi lumibot ang mga mata nito sa bawat isa samin. Nakakatakot naman kasi talaga iyon kaya kasama na ang pressure sa pagsasagot kanina. Para tuloy kaming pinagbagsakan ng lupa nang makaalis ng room.

“Babawi talaga ako bukas sa ibang exam. Nakakainis iyang si Ma’am Matilde. Para mag tatanong lang, hindi pa mapagbigyan. Cheating ba iyon? Nakakainis. Feeling ko talaga babagsak ako.” She deflates an annoyed sigh and straightened her body.

Kanina pa niya iyong inirereklamo kaya napailing nalang muli ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa malawak na field ng campus at napansing marami naring tao ang nagsisilabasan sa mga assigned rooms. Siguradong magtatambayan ang mga ito sa mga bench kaya bago pa kami maunahan ay muli kong hinila si Alana para magmadali sa paglalakad. She was again mumbling of complains.

“Sabi ko sayo gawa tayo ng sign para sa objective types eh. Feeling ko mahahabol ko yung points kung sakaling na perfect ko yung mulitiple choice.”

“Gaga. Eh para ka ngang nag ka stiff neck kanina sa sobrang pokus mo sa papel mo at hindi ka manlang makatunghay. Hindi naman halatang takot kang mapunit ang papel mo kung sakaling lumingon ka,” pang-aalaska ko na ikinasinghap niya at nanlalaki ang matang binalingan ako.

“That’s not true. I was just trying to focus on my paper and so I can scan it thoroughly. Bukod sa hindi ko alam yung isasagot ko, pinag-iisipan ko rin kung anong panlalambang ang ilalagay ko para hindi naman blanko. Hindi kaya madaling manghula, duh.” She rolled her eyes heavenward in defense.

“Tsaka nasa tabi mo rin si Ma’am at nakatingin sa paper mo. She’s probably thinking where you’re getting your answer na puro option ng A-B-C choices, samantalang True or False naman yung sa part II.”

Bumunghalit ako ng tawa dahil isang dipa lang naman ang layo sakin ni Alana kanina kaya kitang-kita ko kung paano mamawis ang noo niya dahil sa ginagawang pagbabantay ng proctor. Ewan ko ba sa trip ni Ma’am at parating si Alana ang pinag-iinitan samantalang may ilan samin ang nagsesenyasan na pero hindi nito sinasaway dahil pokus ito kay Alana. Palibhasa ay napabalita na ring may gusto ito kay Ken at dahil halos ipagsigawan ni Alana ang nararamdaman para sa huli, napag-initan na rin siya ng prof naming ilang taon lang naman ang agwat samin.

“True or False?” She gives me a confuse look. “May ganun ba? Wala naman akong nabasang ganung direction sa exam paper ko.”

“Meron. May part III pa nga sa likod eh,” I joked and laughed hardly when her face turns pale.

Sabi ko na nga at nagkukunwari lang siyang pokus sa exam kanina para masabing seryoso siya. Madalas pa naman siyang lutang at binabasa lang ang questionnaire pero hindi naman iniintindi. Alana is the type of reader who needs to take a closer look at what she's reading or repeat it three times before she fully understands it. May pagkakataon pa na kapag nakikinig siya ay hindi niya naiintindihan nang buo ang pinag-uusapan maliban nalang kung interes niya. Pero kadalasan talaga ay lalabas lang sa kabila ang mga naririnig niya kaya kailangan ay nag no-notes siya ng lecture para doon lang niya ma recall kung ano ba ang nangyari. I don’t know if it’s hyperlexia or that condition in which people have advanced reading skills but have difficulty understanding what is read or spoken aloud, but I will just assume that it’s not that serious since it could really happen to everyone.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon