Chapter 23

277 6 1
                                    

MACE ALQUIZA


Holding up a pretense is becoming increasingly untenable. I keep reminding myself about professionalism and act normal for the sake of my peace and a little normalcy between the two of us. Pero paano ko gagawin iyon kung parati akong pinangungunahan ng kaba at takot sa tuwing nandiyan siya sa paligid? I don’t even know if I should be the one to feel this way. Ang pakiramdam ko, sa tuwing ako ang umiiwas at nagpapanggap na wala lang ang lahat at wala lang siya sakin ay ako pa ang guilty sa mga nangyari.

Partly it was my fault, but isn’t he supposed to feel guiltier about it? Kung babalikan ang mga nangyari noon, siya itong may matinong pag-iisip at alam niya sa sarili niya na hindi siya si Skyler pero ginawa parin niya. Siya yung nanloko, diba? Siya ang may kasalanan. Dapat nga siya yung dumistansya nang sobra at mahiya, pero bakit ganito ang reaksiyon ko sa lahat? 

Between the two of us, I am the most pressed and making a big deal out of these things. Una ay ang pagkikita namin dito sa kumpanya niya samantalang wala naman siyang pakielam doon. Pangalawa ay kung paano ako makikitungo sa kanya samantalang hindi naman dapat pag-isipan dahil ako ang may kailangan sa kanya.

I will admit that I am overthinking. Baka mamaya kasi ay may mangyari nanaman na taliwas sa inaasahan ko. Pero ewan ko ba. Baka ako lang ang nag-iisip ng mga ganitong bagay dahil ako lang sadya ang may problema at pilit ko lang pinalalaki dahil kung tutuusin, ako ang hindi makakapag-isip ng tama kung totoo mang may gawin siya. Isn’t it always like that before? Sa tuwing lalapit siya, sa tuwing hahawakan niya ako, hindi ko magagawang umiwas dahil nanghihina ako parati at sarado ang utak ko para mag-isip.

I am always weak for him. I will always be and I’m just too weak to admit it so I’m always putting the blame on him.

I just finished inspecting the car and completed the task as I was instructed. Ang buong akala ko ay matatagalan pa ako bago mamroblema kung paano haharapin si Kysler pero ngayon ay halos mangatog na ang mga binti ko nang ipatawag ako nito.

I stand just a few meters away from his workstation. Nasa lab parin kami and I learned that his office was actually not here. He was working on something I couldn’t see since he was behind the desk and I was standing across it. Hindi ako alam ang dapat kong gawin dahil tinawag lang naman ako noong isang engineer at sinabing pumasok ako sa loob at mukhang may ipagagawa siya. I was the only available intern on this floor, so it’s not shocking that he would ask for my presence. 

Kung sino-sino na ngang santo ang napagdasalan ko para lang sapian ng kabutihan ang taong ito at walang kademonyohang gawin o kung anumang kabulastugang maisipan pero hindi iyon sapat para kumalma ang puso kong kanina pang mabilis ang tibok. Kulang nalang ay maging jelly ace ang binti ko sa panlalambot nito.

I cleared my throat to get his attention. It was such a petty act, I know. Tanging pagkunot lang ng noo ang naging sagot niya at nagpatuloy sa ginagawa.

“M-may iuutos ka ba? I was told to come here." My voice was almost a whisper I was trying to add a volume. I just don't know if he heard it guessing from his nonchalant reaction. I waited for a response, but he didn't seem to have any intention of answering. Nakaramdam tuloy ako ng pagkapahiya.

Why would he ask for my presence if he has plans of ignoring me?

Napanguso ako.

Pinaglaruan ko nalang ang sahig ng sapatos ko at iyon ang tinitigan habang naghihintay ng utos. Hindi naman ako pwedeng umalis dahil baka mapagalitan ako. Dapat talaga hindi ako na-assign dito eh. Tatanggapin ko naman kahit anong trabaho basta huwag lang sana rito, huwag lang sa malapit sa kanya.

“Coffee.”

Nag-angat agad ako nang tingin nang marinig ko ang boses niya pagkaraang dumaan ang mahabang katahimikan. My eyes flicker for some unknown reason when he finally talks. At least may silbi na ang presensya ko sa loob ng apat na sulok ng kwartong to. I smirk in pure sarcasm. 

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon