Chapter 5

356 13 1
                                    

MACE ALQUIZA’S POV

“IS THAT a kiss marks?”

Napaigtad ako sa gulat nang bigla nalang sumulpot sa kaharap kong salamin ang pigura ni Alana na manghang nakatingin sa leeg kong may mga pulang marka.

Bumalatay ang hiya sa sistema ko nang kinikilig pang sinundot nito ang tagiliran ko at mahinang napatili.  I diffidently put my clothes back in order to hide the love bites that even if I had rubbed several times to vanish, it just won’t go away.  And I would curse Kysler for that.

“Bakit mo tinatakluban? Normal lang naman yan ah,” nang-aasar pa na sambit ni Alana na tipid ko  lamang na ikinangiti. Lumabas ako ng banyo at naupo sa kama ng guest room na inookupa ko. Sumunod din naman siya kaya hindi ako nakaligtas sa mapang-asar niyang ngisi.

“Nakakahiya kapag may iba pang nakakita.”

“It’s not that big of a deal, you know.” Nagkibit-balikat ito bago naupo rin sa tabi ko. 

Hanggang ngayon ay nasa mansiyon parin ako ng mga Wilson dahil hindi naman ako hinayaan ni Skyler na umuwi sana sa apartment ko kahit alam niyang may pasok na kinabukasan.

He keeps insisting that he will just drive me to school first thing in the morning tomorrow. Kaya kahit may pangamba at takot akong  nararamdaman dahil sa ginagawang pagbabanta sa akin ni Kysler at pananamantala ay hindi ko na ininda.

Ayoko namang maghinala si Sky na pinaglalaruan ako ng kakambal niya dahil sigurado ako na magkakaroon lamang ng alitan sa pagitan ng dalawa. Buhat ng unang gabi na nagkakilala ko si Kylser wala naman na itong ginawang grabe sa’kin maliban sa pagbibigay nito sa labi ko nang mapagparusang halik at ngayon nga ay gusto pa niya akong ipahamak dahil sa paglalagay niya ng marka sa leeg ko. 

“Kuya Sky is so aggressive pala. Ang dami mong kiss mark sa leeg eh.”

Humagikhik si Alana kaya mas lalo lamang binalot ng konsensya ang puso ko. Kung pwede ko lang sanang sabihin na hindi naman si Skyler ang may gawa ng mga marka sa leeg ko kundi ang demonyo nitong kakambal ay nagawa ko na. I wanted to tell her what Kysler has been doing to me, but I got no courage to do so. Una ay ayaw kong isipin ng kaibigan  ko na may namamagitan samin ng huli at ayaw kong ako pa ang maging dahilan kaya magkakagulo ang pamilyang ito.

Ayaw kong masira ang relasyon ng mga ito sa isa’t-isa dahil lamang sa isang pagkakamali na sa akin din naman nag-umpisa. Siguro naman ay matatapos din ito dahil mukha namang naghahanap lamang ng mapaglilibangan si Kysler at ako nga lang ang napiling paglaruan.

“Sorry that you have to see that.”

“Ano kaba. Hindi naman issue ang love marks. May boyfriend ka kaya expected na ang bagay na iyan.”

Napilitan akong tumango sa sinabi niya para hindi na siya mag-usisa pa at mabuti nalang ay hindi niya nahahalatang may mali sa mga ikinikilos ko. 

“Anyways, kaya pala ako nagpunta sayo para tanungin kung sasama ka sa tour ng lahat ng engineering at archi? Ang alam ko kasi hindi naman siya ni-re-require pero sayang din ang opportunity na makapag relax lang tayo after our finals. Balita ko ay mag pa-plano sila ng outing after ng tour,” pagkukwento niya kaya bigla ko na lang din naalala na isang linggo nalang pala ay mag fi-finals na.

Hindi naman ako nag-aalala dahil hindi naman ako nahihirapan sa kurso ko, at isa pa ay na-umpisahan ko na rin ang pag rereview. We have completed all of the requirements, and the only concern that is still is the finals exams.

"We have two weeks off before the second semester begins. Don't you think it's a good way to get rid of all that stress after finals?”

Napangisi ako at umupo sa kama saka tumango bilang pag sang-ayon. Wala rin naman akong gagawin sa bahay maliban nalang siguro kung manlalambing si Sky para sa bakasyon naming dalawa. Last time we spent my semester- break in Palawan. I'm not sure what expertise he's been using to get a leave slip since his presence is necessary in their company, but I'm guessing he was literally just using his CEO card.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon