MACE ALQUIZATwo hours and a half trip from Manila to Batangas Pier and I could already feel dizziness. I just can't get used to the air-conditioning on buses, so I always feel like vomiting. Inaantok na rin ako dahil five o'clock palang ng umaga ay nag byahe na kami ni Skyler. He doesn't want to take any hassle so he decided to commute nalang. Aniya ay may mahihiraman siya ng sasakyan sa pupuntahan namin kaya hindi na rin namin iisipin ang masasakyan kung may plano kaming mag road trip.
We're going to have a three days' trip in Oriental Mindoro. In Puerto Galera to be specific. Excited na akong makarating ng isla dahil ngayon lang kami mag babakasyon na hindi kailangang sumakay ng eroplano. Isa pa ay namimiss kong mag island hopping.
Tapos na ang finals namin for this first semester, kaya bago kami maging super busy sa work immersion, Skyler decided to take a vacation and also for him to relieve stress. Kung hindi siya nag-aya, baka ay sumama nalang ako sa tour and outing ng class. Wala tuloy kasama si Alana pero sabi niya ay kaya na niya.
Isang maleta lang ang dala namin ngayon na hila-hila ni Sky nang makababa ng bus. Three days lang naman kami roon at maraming mabibilhan ng essential things especially that we're heading to the White Beach kung saan na rin siya nag pa book ng hotel, so we didn't bring much things.
Magkahawak-kamay ni Sky habang papasok ng terminal. There are many people taking a glimpse at us. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakakaagaw naman talaga ng atensiyon ang lalaking ito. Kahit simpleng white t-shirt lamang na plain at beige khaki short partnered with his Velasca boat shoes, mukha pa rin siyang Turkish model. Not to mention the aviator he's wearing. Nakakainis, but he's really getting too much attention.
"Walk faster, my love. I hate how these men throw glances at you," masungit na wika ni Sky nang sandaling balingan ako.
Napaamaang pa ako at kunot-noo siyang tiningnan pero diretso lang sa unahan ang tingin niya. His jaw is tightly moving and the veins on his neck are protruding.
Napangisi ako at napailing. He's jealous? Samantalang siya nga itong nakakaagaw ng atensiyon sa mga babaeng nadaraanan namin.
Pumulupot ang braso niya sa bewang ko at hinapit ako papalapit pa sa kanya habang umaasik. Kulang nalang ay samaan niya ng tingin ang mga lalaking napapatigil sa paglalakad at ang ilan ay bumabaling sa direkiyon namin pero hindi ko naman napapansin. I was busy looking at those women ogling over him, remember? Pake ko naman sa mga lalaking iyon.
Diri-diretso lang si Sky sa pag lalakad kaya napapasunod nalang ako. Wala kaming dinaanang kung anumang station para makabili ng ticket kaya taka ko siyang nilingon.
"Wala pa tayong ticket sa barko, love."
"No need for that, love. I have a yacht," he said softly, following a gasp from my lips.
"B-bumili ka? Di nga?"
"Hm-mm. Though it was just a pocket yacht, so not quite impressing."
Inakbayan niya ako habang binabaybay namin ang kahabaan ng daan papunta sa kung saan naka dock ang kaniyang yacht.
I am frantically admiring it as we headed closer to the harbor.
Oh wow. That isn't small at all.
"Ang ganda, Love. May pag gagamitan ka pa bang iba nito?"
I had the expression of a child who was amused, while staring at it. This isn't the first time I've seen a yacht, but since I'll only be traveling by sea again, it always feels like the first time.
"Nothing that I could think of. I was just bored with my cars collection so I bought one."
Pabiro kong hinampas ang tiyan niya dahil sa walang kwenta niyang sagot. Napaka aksayado ng mokong na ito sa pera. At kapag na bored, kailangan mag purchase ng yacht?

BINABASA MO ANG
Switch
General FictionR-18 ❣ Bumilis ang tibok ng puso ko nang makumpirma ang hinala. Ang mga ngisi niya...ang matiim niyang tingin na halos pumaso sa buo kong katawan na kanina pa niya pinagmamasdan. Para akong malalagutan ng hininga. Anong katangahan ang ginawa ko? "...