Chapter 14

241 6 11
                                    

MACE ALQUIZA

This is ridiculous!

I don’t get it myself why I have to be in the place where he is right now to make things better, even if I know if it was far from being good. Everything is not just good.

First and foremost, this should not have happened. I shouldn't be letting Kysler to deceive me for his own advantage. Alam ko naman na pagkatapos nito ay wala pa ring mangyayari dahil wala siyang isang salita. Alam ko na iyon. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa ako nakipagkasundo sa kanya.

What the hell is this all about? Umaasa ba talaga ako sa katiting na porsyentong tutupad siya sa pangako niya kapag dumating ako? Na titigil na siya? . . .  O baka may iba pang dahilan?

Ngali-ngali ko nang sabunutan ang sarili ko dahil sa dami ng isiping gumugulo hindi lang sa utak ko kundi pati sa maliit na espasyong nagpapasigid ng kirot sa puso ko kapag naiisip ko ang posibleng rason kung bakit ako nandito. Just thinking about it makes me question my rationality. Para akong nangangapa. Hindi dapat eh! Dahil sa mga ginagawa kong ito baka lumala pa ang kalituhang ito at baka sa hindi pa maganda mapunta. That is what makes it scary. Nakakatakot na mawalan ng kontrol sa sarili mong nararamdaman lalo na at may mga bagay na hindi maiiwasan. I can’t even trust my own feelings now because of that thing. Lahat ng kalituhan ko ngayon, siya lang ang tanging dahilan.

Naipilig ko ang ulo ko at sumandal sa likod ng pinto ng unit ni Kysler. Ilang minuto na akong nakatayo rito at nakikipag-away sa isang bahagi ng utak ko dahil sa padalos-dalos ko nanamang desisyon sa buhay. Pinagsabihan na ako ni Sky na kahit na anong mangyari ay huwag na akong lalapit sa kanya dahil hindi iyon makabubuti. Look at where I am now after telling a lie.

Minsan napapaisip na rin ako kung ginagawa ko ba talaga ang mga bagay na ito para samin. I'm all docile to Kysler because of his empty promises - even that should have been enough for me to stop, but I didn't - for some unknown reason I still can't seem to figure out.  May bahagi sakin na ginagawa rin ito para sa kanya dahil sa mga kaguluhan na pumapasok sa isip at sistema ko kapag siya na ang involved. I wanted an answer, an assurance. Hindi ako manhid para hindi maintindihan ang nararamdaman ni Kysler para sakin. Bukod sa gusto niyang masira ang kakambal niya, hindi lingid sakin ang pinakikita niyang emosyon kapag kaharap ako.

It's possible that he likes me... but why should he bother pursuing me if I'm already pushing him away?

Ano bang mapapala niya sakin? Marami pa namang iba diyan. Bakit ako pa ang pinag-iinteresan niya kung alam niyang wala siyang pag-asa? I’m not giving him any hope either. Did I make him feel that way before? Now?

I can't figure it out no matter how hard I think about it. He's always perplexed me. Pinagkakasya ko nalang ang sarili ko sa sagot na ginagawa niya lang ang lahat ng ito para sirain kaming dalawa ni Skyler at mapasakitan niya ang kakambal. I'll just tell myself that he's a monster who seeks nothing but satisfaction from his bullshits and pursuits. Isasantabi ko nalang ang mga nakikita kong senyales dahil ayokong ipakita sa kanyang unti-unti na akong naapektuhan ng mga iyon.

I don’t want to hurt Sky. Kung meron man akong dapat na intindihin ay iyon ang mararamdaman niya sa oras na malaman niyang nagsinungaling nanaman ako. But then I promise, huli na to! Ito na ang huling beses na gagawa ako ng paraan para pakiusapan si Kysler na layuan na kami. Kapag hindi pa siya tumupad, hahayaan ko nalang siya sa lahat ng gusto niya at hindi na ako magpapaapekto pa sa lahat ng gagawin niya. 

I let out another sigh of defeat and brace myself. Now that I’m in his den, I have no other option but to submissive again.

Malalim akong napabuntong-hininga bago binuksan ang unit ni Kysler. He texted me earlier, giving his passcode so I could enter even without him. Kahit hindi ko siya gustong reply-an dahil sa kakulitan niya ay wala akong magawa dahil sa pang ba-blackmail niya. Isusumbong daw niya ako kay Sky kapag hindi ako nag reply. Bwiset! Napaka isip bata ng demonyong iyon.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon