Chapter 17

270 4 7
                                    

MACE ALQUIZA


Mahinang daing ang namutawi sa mga labi ko nang maalimpungatan mula sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. I can’t help but to contort my face in both annoyance and pain when I feel like exploding. Para akong pinukpok ng martilyo. My body was weighed down by the immense pain in my head. Mahina akong napaungot at dahan-dahang bumangon. Sapo ko ang ulo kong napasandal sa headboard ng kama saka maliit na nagmulat para malaman kung saang kwarto ba ako sumuot kagabi.

What did even happen last night? Marami ba akong nainom?

Damnation! Hindi ko sana hinayaang mabuyo ako ni Alana na tumikim ng alak. Those alcohols were evil. Kagabi lang ang unang pagkakataon na uminom ako at sinisigurado kong iyon na rin ang huli. I feel so wasted.

Wala akong halos matandaan sa mga nangyari, pero mukhang nakarating naman ako nang matiwasay sa kwartong tinutuluyan ko rito sa mansiyon. Sa lobrang lango ko sa alak kagabi, baka nga ginapang ko na ang papunta rito.


Inalis ko ang kumot na nakatabon sa katawan ko. Napabuga ako nang hangin nang makitang ang damit ko parin kahapon ang suot ko. I was still on my mesh. Talagang nakatulog na akong hindi nakakapagpalit sa sobrang kalasingan.

Bumaba ako nang kwarto pagkaraan kong makapag sipilyo at maghilamos. Nagsuot lang ako ng t-shirt dahil nanakit pa ang ulo ko para maligo.


Medyo malinis na ang salas nang datnan ko. Ang ilan sa mga kaklase at blockmates namin ay nag-aayos na para umuwi at ang iba ay nagliligpit pa ng mga bote ng alak at mga paper plate na nilalagay nila sa garbage bag. Mangilan-ngilan na lang sila dahil pasado alas nuweba na. Baka nagsiuwian na dahil wala na akong masyadong naririnig na kumosyon sa labas.

“Good morning,” I greeted them with a smile when I reach their place. Tumulong ako sa pagliligpit ng mga bote ng beer at ilang mga can at nilagay sa karton. Lima lang sila na nandoon sa salas, ang iba pa ay nagwawalis sa may bukana ng pasilyo. Ang dalawa ay kaklase ko at ang tatlo ay taga ibang course na tanging pag ngiti lang ang sinagot sakin.

“Good morning, Mace. Patapos na kami rito, okay lang kung kami na ang mag tuloy. Nakakahiya naman, nagwalwal na kami nang sobra kagabi,” natatawang sabi ni Amica, namumula ang pisngi nito marahil dahil katulad ko ring may hang-over pa. Talagang hindi lang ako ang nag-enjoy kagabi at halata sa mga kilos nila ang pagka bangag. I wonder what happen last night.

Madaling araw na siguro ako nakaakyat sa kwarto dahil hindi ako sumunod kay Sky noong nagkasalubong kami sa kusina. Ang sabi ko ay ako nang bahala sa sarili ko at hindi naman ako magpapakalasing kaya hindi na siya nag-insist pa. Ang buong akala ko kasi ay mababantayan ako ni Alana pero ang lagay ay ako pa ang nagbantay sa kanya. Lasing na lasing siya kagabi kaya nauna nang umakyat sa kwarto.

Hindi ko nga alam kung tama ang pagkakaalala kong sinundan siya ni Ken dahil si Brent naman ay himalang nakatulog nang nagkainuman sila. Hindi naman mahina ang tolerance niya sa alak, pero bagsak agad siya nung si Ken na ang nanuksong hindi niya kayang uminom nang lampas sa limang bote ng beer. To make the story short, nagpaligsahan lang naman sila, but Brent was knocked out. Ang malinaw lang sa utak ko ay ang pag-akyat ni Ken sa taas bago ako siguradong gumapang papunta ng kwarto ko pagkaraan ng halos kalahating-oras. Hanggang ngayon ay blurry parin sakin ang lahat dahil baka nawalan na rin ako ng ulirat nang makapasok sa kwarto ko.

“Ayos lang. Nag-enjoy naman ang lahat kagabi lalo na si Alana kaya sulit ang mga kalat na iyan.”

“Oo nga eh. Lasing na lasing si Alana. Siguradong mamaya pa ang gising nun.”

We both giggle and talk how much pain she will be in when she wakes up. Siguradong hindi lang suka ang mangyayari mamaya. The sound of our chartering illuminated the place as we work on the garbage. Awhile after, Amica placed the garbage bag on the floor and tied it up. Malinis na ang lugar at wala na rin namang gasinong kalat kaya ako na ang nag prisintang magtatapos noon para makauwi na sila at makapagpahinga.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon