Chapter 26

323 5 3
                                    

MACE ALQUIZA

Mukhang dinamayan pa ng panahon ang mga hinagpis ko sa buhay.

Bumuhos ang ulan nang makalabas ako ng building. Wala na ang service van namin dahil ang sabi ko ay mag c-commute nalang ako at nagsinungaling na kailangan ko munang matapos ang pinagagawang trabaho sakin bago ako umalis, dahil nakakahiya naman na magpapakita ako sa kanila at haharap na pugto ang mga mata. If they would ask me what happened, I don’t have any alibi to tell them.

Hindi ko alam na uulan pala pero mabuti na rin ito para matakluban ang sakit sa mga mata ko.

Nagtatakbo ako papunta sa may shed para roon maghintay ng sasakyan. 6:30 palang naman kaya siguradong may mga magdadaan pang mga taxi o kaya ay jeep. Siguradong matatagalan pa dahil nag-uumpisa nang lumakas ang ulan. Pero okay lang. Maghihintay ako.

Pinanuod ko ang bawat pagpatak ng ulan sa semento. May mga empleyado na tumatakbo papunta sa kanilang mga sasakyan at ang ilan ay hinahayaan lang ang pagtama nun sa kanilang balat.

Mapait akong ngumiti. Rain used to be my comfort. Mabilis akong makatulog kapag umuulan. Magaan ang pakiramdam ko kapag pinapanood ko ang bawat patak nito at kahit kelan, pakiramdam ko ay hindi ako binibigo nito sa pagtatago ng totoo kong nararamdaman. Katulad ngayon. I thought it would be too hard for me to conceal my tears. Buti nalang may ulan. Buti nalang umuulan. Sa likod nito, pwede akong magsinungaling sa lahat na hindi ako nasasaktan. Na okay lang ako. Na kaya ko pa.

I remember one moment when I was late going home. Si Skyler ang tinawagan ko para sunduin ako dahil ayokong mag commute pauwi. Nang dumating siya, nilagay ko lang ang mga gamit ko sa sasakyan niya bago ako bumalik sa gitna nang malakas na buhos ng ulan at naligo roon na parang bata. Ilang beses akong pinagsabihan at pinayungan ni Sky dahil baka magkasakit ako pero hindi ako umingli. I said I wanted to feel the rain.

Pagkatapos noon, wala na siyang nagawa kundi ang maligo na rin sa ulan at sabayan ako. Hindi ko naman alam na siya pala ang magkakasakit saming dalawa nang sobra dahil mahina siya roon. Alam niya, pero dahil gusto niya akong sabayan, balewala sa kaniya kung magkasakit.

I smile faintly.

Muling tumulo ang luha ko nang maalala ang nakangiti niyang mukha pero puno ng luhang mga mata noong huli kaming nag-usap.

He wanted to give me the space he thought I needed.

Siguro nga ay tama siya sa parte na iyon. Na baka iyon ang kailangan ko para timbangin ang nararamdaman ko at nagtagumpay siyang ipakita sakin ang gusto niyang maintindihan ko na pilit kong tinatanggi noon. Pero dahil sa ginawa niya, mas lalo lang gumulo ang sitwasyon naming lahat. Dahil mas pinili niyang bigyan ako ng pagkakataon na i-sort ang feelings ko para sa kakambal niya, mas lumayo ako sa kanya.

Noon, ang gusto ko lang kahit pumapasok sa sistema ko si Kysler ay ang manatili kay Sky dahil alam kong mas lamang ang pagmamahal na meron na ako para sa kanya. Ang gusto ko, lumayo nang tuluyan kay Kysler sa paniniwalang sandaling gulo lang siya sa buhay ko at mawawala rin. Pero dahil sa mga nangyari, hindi ko na kayang ikaila na baka nga totoo na may nararamdaman din ako sa kanya at tanging ang galit at guilt lang ang pumipigil sakin para iadmit iyon.

Mahal ko si Sky, ramdam ko parin iyon.  Nobyo ko siya kaya ang akala ko ay siya ang dapat kong piliin. 

Pero hindi fair na manatili ako sa kanya dahil sa mga kasalanan ko at sa isa pang taong gumugulo sa sistema ko. Kysler was never part of the options in the first place, but now, I’m always considering his feelings and the love he always claims he has for me. Dati, wala akong pakielam kung masaktan ko man siya sa mga magiging desisyon ko, pero sa isang iglap ang daming nagbago.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon