Chapter 4

540 14 1
                                    


MACE ALQUIZA'S POV

Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ko nang magising at mabungaran ang gwapong mukha ni Skyler na nakahilig sa dibdib ko habang mahigpit ang pagkakayapos ng mga braso nito sa bewang ko. Mukhang masarap ang tulog kaya magaan ang mga kilos kong dumukwang sa mukha niya para patakan nang mumunting halik ang noo niya bago ako tuluyang napangiti at tinitigan siya.

Gorgeous is an understatement to describe Skyler's physique; I've long been knowing that. He's dashing with so much confidence and appeal, enough to make woman kneels on their knees to praise him. Ang malamlam na kulay berde nitong mga mata, ang ilong na kay sarap padaus-usan ng daliri at ang mga labing kulay rosas na ilang beses ko nang naramdaman ang lambot at ang kabuuan ng magandang pagkakaukit ng mukha niya ay nagpadagdag ng tikas sa kanyang kabuuan na siguradong hindi lang ako humahanga.

Hindi ko lang lubos maisip kung ano ang nakita sakin ni Skyler at sa dami ng mga nagkakandarapa rito ay ako pa talaga ang napiling ligawan. Though I'm not saying I look bad myself but I'm kind of wondering why would he showed interest to me after a while of ignoring me like I don't exist.

Ang ilap-ilap nito sakin noon na akala mo naman ay may nakakahawa akong sakit kung iwasan. Ang sungit pa! Tapos isang araw, nakita ko nalang siya sa harap ng university na pinapasukan ko at bigla nalang sinabi na liligawan niya ako. Just like that. Walang komplikadong pangyayari na naganap hanggang sa magising nalang kami na pareho nang hulog sa isa't-isa at hindi na mapaghiwalay.

I fell in love with Skyler so much. Mabait itong nobyo at mataas ang respeto sakin na siyang nagpalalim lamang ng nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman kami tatagal ng ganito kung hindi kami seryoso sa isa't-isa kaya naman pinapangako ko sa sarili na hindi ko papayag na masira ang relasyon namin ni Skyler dahil lang sa demonyo nitong kakambal.

At ang lalaking iyon . . . Kapag naalala ko nanaman ang gagong Kysler na iyon ay hindi ko maiwasang hindi magngitngit sa inis at galit. Hindi niya ako nilubayan ng tingin kagabi at kulang nalang ay sakmalin niya ako dahil sa paraan ng pagtitig nito na wari'y nanghuhubad na. Hindi ko alam kung wala ba itong konsensiya o talagang wala lang dito kung mahuli man siya ng kakambal na nakatitig sakin pero ako na ang natatakot sa mga ginagawa nito na hindi ko naman alam kung paano gagawan ng paraan. He's just too much for me to handle.

"I love you, love."

Saglit na nawala sa isip ko ang lalaking iyon at napangiti nang marinig ang sinabi ni Sky. Mas humigpit ang yakap nito sakin nang tangkain kong kumalas mula sa pagkakayakap nito kaya hindi ako lalo nakaalis.

I pouted my lips. Weekend ngayon kaya day off ang lahat ng maid nila Alana kaya siguradong walang maghahanda ng pagkain nila. May pasok pa naman sa trabaho si Skyler pero sa paraan ng pagkakayakap nito ay mukhang matatagalan pa ako bago makapaghanda.

"Love?? Get off first," mahina kong bulong dahil lalong nagsumiksik ito sa lalo sa leeg ko nang alisin ko ang braso niya.

I could already feel his hot breath fanning against my skin. Nakakakiliti iyon at nakakahibo. Mariin kong ipinikit ang mga mata at muling nagmulat nang maramdaman ang mamasa-masa nitong labi na humahalik sa leeg ko. Hinaplos ko nalang ang buhok niy para matigil sa ginawa bago marahang niyugyog ang balikat nito dahil mukhang walang balak bumangon.

"Love? Ipe-prepare ko lang ang breakfast mo. Bitaw kana."

Umungol lang ito at bago lumayo ng konti at marahang nagmulat ng mata. He was still adjusting as I watch him yawned and pouted a bit later.

Nagtama ang tingin naming ikinaguhit ng ngiti sa mga labi ni Skyler nang mabungaran ako.

"Good morning love," he whispered in a still sleepy tone before reaching for my face and deep his lips on mine. Bumitaw rin siya panandilan at tinitigan ako bago napangiti.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon