Chapter 15

255 7 6
                                    

MACE ALQUIZA


Kysler is back to being a scumbag and a brazen pervert, as if nothing dramatic has ever happened. Parang isang kisap mata lamang ay okay na uli siya at nakakangisi nanaman sakin na gusto ko namang burahin sa mga labi niya.

I've been rolling my eyes at him every time our gazes met. Kung hindi ngisi ay tawa ang isinasagot niya habang naglilinis ng tiles niyang sahig. It's not even dirty! Ni wala nga akong makita ni katiting na gabok sa mga appliances niya. I'm not sure if he was doing it on purpose. Palibhasa ay nag f-flex ang braso niya at namamawis ang katawan niya dahil sa ginagawa. I can't take my gaze away from him, which he seems to enjoy.

Nakaharap sakin ang likod niya. Just like Skyler's, his back has a tattoo. It was a tribal design. It glides across his back effortlessly. As the ink is heavily dominating the right side of the back, it transitions beautifully to the left side. Pati ang likod ng kanan niyang braso ay meron ding itim na tinta. The design was beautiful and it was actually hot, contrary to my belief that tattoos were dirty on skin.

Naiiling kong sinapo ang noo ko. Eto nanaman ang utak kong hindi matawaran ang paglipad sa kung anu-anong senaryo. Tumayo ako mula sa sofa para silipin ang paglilinis niya, at halos mapatanga ako nang makita ang gamit niya sa paglilinis ng sahig.

I bit on my lower lip to suppress myself from smiling.

"What do you think are you doing?"

Mula sa pagkakatungo ay tumunghay siya. Seryoso na ngayon ang mukha niya at may butil-butil pa ng pawis sa kanyang noo na pinunasan din niya.

"I'm coconut-ing my floor."

"Coco . . . nuting?"

"Yeah." He sounded so proud about it and even lifted the coconut husk.

"This is half coconut. This is use for cleaning the floor."

Half coconut. Nakagat ko ang labi ko at mahina nang natawa saka napailing. Kysler could be really ignorant about few things, but I don't understand why I still find him amusing . . . and cute.

"Bunot ang tawag niya, hindi half coconut. At sa semento po iyan ginagamit, hindi sa tiles."

Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya, maliit na napanguso sa pagtatakha at napatayo mula sa pagkakaluhod sa sahig. Nagpameywang pa siya at napailing.

"Isn't this supposed to make the floor shiny?"

"It is. Pero hindi naman iyan gumagana sa tiles."

"Kaya pala." He nodded his head like a child, astounded by his newfound knowledge. I squinted at him as I folded my arms. I raise my brow as if interrogating.

"Where did you get that though? Hindi mo naman pala alam gamitin."

"Doon sa bangketa sa labas ng simbahan. May nagbebentang mga bata roon ng kung anu-ano eh. Inengganyo ako. Hindi pa raw sila nakakain kaya binili ko na."

"Simbahan? Nag . . . sisimba . . . ka?" nag-iingat kong tanong at hindi makapaniwala sa narinig.

He looks at me, his green eyes glinting with exasperation. Napapahiya akong nag-iwas ng tingin.

"Why? Bawal ba ang demonyo sa simbahan?"

"I didn't say that." He seems hurt with my response. Umingos siya bago ako inirapan at padarag na kinuha ang mga gamit niyang panlinis at kinipkip sa katawan. Hinagod pa niya ang basa sa pawis niyang buhok bago muli akong binalingan ng tingin.

"I didn't enter tho. I just asked Him for a small favor outside."

"Ano namang pinagdasal mo?" I inquired cautiously, trying not to make another offensive remark.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon