Mace Alquiza's POV
Alas-otso ng gabi nang makarating ako sa mansion ng mga Wilson at isang malakas na tugtugin ang bumungad agad sakin sa labas palang ng gate. My mouth agape in surprise upon seeing the set-up of the garden where the celebration is happening. The place was indeed majestic, and no typical welcoming party at all. Ang daming ganap! Hindi ko lubos maisip na ganito kabongga ang party na idaraos nila tita para sa pag-uwi ng anak nila. Parang lahat ata ng mga nakatira sa village na to ay inimbita nila.
I laugh mentally and knock on myself. Wala namang nakakapagtaka dahil ganito talaga ang mayayaman pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Wilson's will not be a Wilson without the word grandeur after their name.
"MACEEEE!!!"
Mabilis akong nag-angat ng tingin at hinanap ang pinanggalingan nang sobrang lakas na sigaw na yun at tinalo pa talaga ang sounds. Nasapo ko nalang ang noo ko nang makita si Alana na kumaway pa talaga sakin bago tumakbo.
"I thought you're not coming."
Napairap ako. "Pwede ba. Para namang hindi ko alam na pinasadya mong papuntahin si Mang Bruce nang sobrang aga sa bahay ko para sunduin ako. Nakakahiya tuloy."
Malakas itong natawa bago hinawakan ang braso ko at inakay ako paloob. "Sorry 'bout that Mace. Eh akala ko kasi hindi ka talaga pupunta kaya kinuntsaba ko na si Kuya Sky, kaya ayun, pinadala niya yung driver. And he was sorry daw pala kasi hindi ka niya nasundo. Si mommy naman kasi, inimbita na lahat ng mga kamag-anak at neighbors namin. Nabusy tuloy si kuya kaka-entertain."
She apologetically smiles at me. "Sorry ha. Monthsary niyo pa naman ngayon pero hindi mo siya agad makakasama."
Napangiti nalang ako at sumandal sa balikat niya habang naglalakad paloob sa mansion nila.
"Para ka naming bago. Sky already told me about it so it's fine now."
"Talaga ba?"
"Yep. Kaya nga nandito na ko diba? And I'm sure we can have an alone time later to celebrate. For now, tumulong na lang tayo para sa kapatid mo."
"Oo nga pala. Salamat talaga Mace ha. Anyway, bababa na rin si Kuya Sky mamaya, or would you like me to call him?"
"Hindi na. Let him rest first. Tayo nalang ang tumulong sa kanila." Nakangiti kong aya na tinanguan naman niya at hinila ako papunta ng kitchen.
Halos isang oras din ang ginawa naming pagtulong sa mga maids nila Alana sa pagseserve sa mga guests. Ilang beses kaming pinatigil nila Tito at Tita pero wala silang nagawa sa kakulitan namin. Namiss ko tuloy ang tumulong sa restaurant namin doon sa probinsya. Siguro kung hindi ko lang gustong sundan ang yapak ni papa na isang kilalang arkitekto sa Roma, baka pinamamahalaan ko na ngayon ang restaurant namin.
Nilagay ko ang tray na hawak sa lababo at nag-unat ng kamay. Grabe, nakakapagod!
"Love?" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang pamilyar na boses na yun. My lips open in astonishment when he appears in front of me, sporting a black v-neck shirt and a tattered pant but still stand raggedly handsome. For goodness sake! It was just a simple attire, but he looks like a ramp model. Damn. And his hair was in a mess, but it only adds up to his hotness. Napangisi ako bago lumapit sa kanya at akmang yayakapin siya nang ihara niya ang kamay sa ulo ko at mahina akong itinulak. Napanguso ako at nakabusangot siyang tiningnan.
BINABASA MO ANG
Switch
Ficción GeneralR-18 ❣ Bumilis ang tibok ng puso ko nang makumpirma ang hinala. Ang mga ngisi niya...ang matiim niyang tingin na halos pumaso sa buo kong katawan na kanina pa niya pinagmamasdan. Para akong malalagutan ng hininga. Anong katangahan ang ginawa ko? "...