Chapter 21

260 8 3
                                    

MACE ALQUIZA


Malaki ang kaibahan ng mga taong sumuko sa mga taong natauhan pagdating sa pag-ibig.

Yung sumuko: napagod, tinanggap nalang na wala na talagang pag-asa. Yung natauhan . . . nagising sa nalang bigla na tapos na silang magpakatanga at oras na para itigil ang kahibangan para sarili naman nila ang unahin.

Madalas kong sabihin noon kay Alana na tumigil na lang siya sa paghahabol kay Ken dahil wala naman siyang mapapala roon. Na wala siyang pag-asa. But she was persistent. Until she had him chasing her, but she was no longer interested. I was starting to think that she only loved that idea of loving him. That she was only challenged. Kaya noong nakuha na niya ang gustong atensiyon mula rito, ayaw na niya.

Now how about Kysler? Natauhan ba siya, o sumuko? Noong dumating siya at nanggulo, he was persistent to have me, pero noong nakuha na niya ako, madali nalang din sa kanya ang sumuko. Now the case could be different. I was the one who pushed him away and tell him to stop. Would that be counted for his sense of realization?

I know I was responsible for breaking his heart. But who would be responsible for mine? Did I fall in love with him too, or I just love the thought that I am getting attention from him? Maybe it was all in my head, yeah? The feeling . . . the heartbreak . . . the confusion.

Paano kung pinaglalaruan lang ako ng damdamin ko at bahagi lang ito ng konsekwensya ng larong pinilit niyang maging parte ako? Paano kung ilusyon ko lang ang lahat ng ito at gumagawa lang ako ng dahilan para gustuhin siya dahil sa atensiyon na nakukuha ko?

Pwede ko ba iyong gawing rason para lang malusutan ang kasalanan ko? Pwede bang siya nalang sisihin ko sa lahat ng ito para hindi ako makunsensya?

Alam ko naman na pagkakamali ko ang lahat dahil napakatanga ko, pero hindi ko kayang patawarin ang sarili ko na naging tanga ako pagdating sa kanya dahil sa nararamdaman kong ito na hindi ko namamalayang nangyayari na pala. I thought I hated him? I know how much I hated him for ruining my life, kaya hindi ko alam kung saan nanggaling ang nararamdaman kong ito. Kung bakit humantong sa ganito ang lahat.

Bakit hindi ko siya nakilala sa sandaling pinag-alayan ko siya ng sarili ko? Na inakala kong siya si Skyler, bakit ganun? Bakit hindi ko na maintindihan ang sarili ko? Bakit humantong sa ganito ang nararamdaman ko?

Gusto kong maintindihan kung bakit ko siya minahal kung puro pasakit nalang ang dala niya! Gusto kong malinawan kung bakit ko mamahalin ang kagaya niya! Gusto kong malaman kung bakit ko siya natutuhang mahalin nang hindi ko pinahihintulan ang puso ko kung walang-wala siya sa kakambal niya? Bakit ganito? Bakit hinayaan na malito ako ng ganito? Bakit ako pinarurusahan?

Napahagulhol ako nang tuluyan. Wala akong makuhang sagot sa bawat  hinagpis na lumalabas sa bibig ko. Sa bawat pag-angil ko at paghikbi, wala akong makapitang lakas para unawain ang lahat ng pangyayari. I was lost that I feel like dying inside. It feels so heavy that all I wanted to feel was to die and end this thing.

I can’t accept that I cheated in all aspects. I committed a sin that was never forgivable. I gave myself to someone who’s not my boyfriend only to realized I have a feeling for him that’s why it all happened. It was really such a shame. I was so ashamed that looking at myself in the mirror disgusts me. Paano pa ako haharap nito kay Skyler kung wala na akong maipagmamalaki? Kung walang-wala na ko? Kung isa nalang akong immoral na tao? Wala na. Wala na akong kwenta!

Pulang-pula na ang balat ko pero hindi ako nagpatinag sa pagkuskos ng towel para pilit burahin ang marka ng kasalanan ko. Sa ilalim ng dutsa ng tubig, kasabay nang pag-agos ng tubig sa katawan ko ay ang pagpatak ng mga luha kong walang patid ang paghinto. Sa bawat hikbi ko ay ang pagbalik ng mga ala-ala ko ng pagkakamali. Kung paano ko pinilit ang sarili ko kay Kysler; kung paanong hindi ako nagdalawang-isip sa pag-aakalang siya si Skyler.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon