Chapter 9

271 11 6
                                    


MACE ALQUIZA

My mind was so clouded with so many things that I didn't realize it was already time. Tumunog ang buzzer hudyat nang pagpapasa ng test papers at ngayon lang ako nagising sa pag d-day dream ko kaya aligaga kong binalingan ang tests ko para pagtuunan muli iyon ng pansin.  

I checked my papers, looked up every sentence I scribbled on my paper, and finally felt much better when I realized I had answered correctly. Akala ko ay sobra akong naging lutang at hindi ko nasagutan ang lahat ng test. It's a good thing it's not a problem-solving type of exam. Kung sakaling bumagsak ako, hahanap na talaga ako nang magaling na mangkukulam at ipakukulam ko ang taong dahilan kung bakit wala ako sa wisyo magmula pa noong umaga. Hindi naman ako nakainom kagabi, pero hanggang ngayon ay bangag parin ang buong pagkatao ko.

The proctor dismissed us after everybody have passed their answer sheets. Hinintay ko munang mawala ang lahat ng tao habang inaayos ko ang mga gamit bago ako tumayo at pinuntahan si Alana sa kabilang row ng chairs na isa ring lutang.

Last night, I wasn’t really able to look for her because of what happened. Naiwan ko siya sa bar at nakalimutan ko nang balikan dahil nung muli kong tinakasan si Kysler ay mabilis akong pumara ng sasakyan at nagpahatid sa bahay ko. I barricaded my doors and windows and secured the locks to ensure that he couldn't barge in and do something nasty again. Saka ko lang naalala si Alana na lasing nga pala pero hindi ko naman magawang umalis dahil na rin sa takot. I was just trying to be careful especially that I am fully aware of what he is capable of doing. I just hoped that Kysler, at least tried to look after his sister at hindi purong kademonyohan lang ang alam sa buhay.

“Hey, uwian na.” I slightly poked Alana’s shoulder na ikinatingin niya sakin. It seems like she did a knock on herself first to bring her senses back down to earth before responding to me.

Tumango lang siya at tipid na ngumiti bago maingat na tumayo at sinakbit ang tote bag niya. Nauna siyang maglakad na ikinasunod ko ng tingin.

She looks like a crippled. Anyone else might think she's just walking fine, but not me. Mukha siyang hirap at may iniindang sakit ng binti o balakang kaya paika-ikang nag lalakad. The contorted expression on her face tells the same thing with each step she takes.

I walk beside her and eyed her suspiciously.

Nang mapansin ang tingin ko ay agad siyang nag-iwas at pilit umayos para lang mapangiwi pagkaraan.

“What happen to your feet? May pilay ka?”

“W-wala ah.” Peke siyang napaubo at hinaplos ang kahabaan ng leeg niyang napansin kong namumula. “Y-yung balakang ko ang masakit. Nadulas ako sa banyo ng bar kagabi sa sobrang kalasingan kaya ganto ako maglakad.”

“Sabi ko naman kasi sayo huwag kang uminom pero hindi ka nakinig: ayan at nadisgrasya ka pa. But at least you’re sober now. Sinong nag-uwi sayo kagabi?”

Her cheeks reddened incessantly. Mas naging magalaw ang mga mata niya at mabilis na nag-iwas ng tingin nang may maalala. Her face was shining with radiance. Mas tumingkayad lang iyon dahil sa pamumula ng mga pisngi niya. Sa kung anumang dahilan ay hindi ko alam.

“N-nakisabay lang ako kagabi.”

“Kanino? Sa Kuya mo?”

“No. K-kay Ken.”

I come to a halt and look up at her, my eyes wide with surprise. Napahinto rin siya at nag-aalangan pa akong binalingan pero hindi nakatakas sakin kung paano nangislap ang mga mata niya sa kalituhan. Wari’y hindi alam kung bakit napunta sa ganoong sitwasyon.  “Ken? Bakit? Huwag mong sabihin sakin na sa kanya ka rin nakitulog?”

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon