Chapter 1

500 12 0
                                    

MACE ALQUIZA'S POV

"KYAHHHHH!!! GOOOO KENNN!!!! I LOVE YOU NA TALAGA! YAHHH. GO, GO, GO!!!"

Mariin akong napatakip sa tenga at nahihiyang nag-iwas ng tingin nang magtinginan sa bench namin ang mga students ng Electrical Engineering na natawa sa pag chicheer ni Alana sa kanila. Pati mga basketball players na nasa loob ng court ay napatigil sandali para lingunin kaming mga Automotive Engineering na kalaban nila ngayon sa activity para sa endurance test.

Malakas na kantyawan ang pumailanlang sa buong gym nang asarin nila si Ken na walang bahid ng kung anumang emosyon ang mukha pero halata ang pamumula. Alana almost gushed on her seat after seeing his reaction. Nagtatalon pa ito at muling sumigaw.

"YIEEEE!! ANG GWAPO MO TALAGA!!" kinikilig nitong hiyaw kaya kunot-noong tumingin ang lalaking kinababaliwan sa gawi namin bago muling nakipag-agawan ng bola. Makailang beses akong hinampas ni Alana sa braso dahil sa kilig niyang walang mapaglagyan.

"Oh my goodness Mace. Did you see that? He looked at me! He smiled!" I rolled my eyes to her illusions.

"He looked at you but he never smiled." I answered smirking before returning my gaze to the game.

"Ang kj mo talaga. Panira ka ng ilusyon. Minsan na nga lang ako mapansin ni Ken eh."

"Anong minsan? Eh halos araw-araw ka nagpapapansin jan eh. Wala kang pinalalampas na pagkakataon basta makita mo siya, sasalubungin mo. Kaya ka napagkakamalang stalker eh."

Napalabi ito at asar na hinagod ang kulot na buhok.

"Hindi naman niya ko pinapansin kahit mukha na kong tanga kakahabol sa kanya. Kaya lang ko lang pinupursue itong nararamdaman ko kasi may mga dahilan din naman ako. Pakiramdam ko kasi may pag-asa akong magustuhan din niya." She smiles sadly.

"Tulad nalang ngayon. I made him blushed Mace. What do you expect me to think then? Alam kong kahit papaano napapansin na niya ko. Kaya nga malakas ang loob kong magpakatanga kasi pasasaan ba naman at magkakaroon din nang tugon itong nararamdaman ko."

Nangingislap ang mga mata niya habang nakatingin parin kay Ken na hindi na muling dumapo ang tingin sa bench namin. Third year nang magsimulang magkagusto si Alana sa binata. I don't know how they met, but before I knew it, she's already smitten over him. Wala naman akong maipipintas sa appearance ni Ken. Kung tutuusin ay hindi lamang si Alana ang nabihag sa perpekto nitong hitsura. He is also an achiever, basketball captain, member of student's council and a total performer. Women will definitely lure him just to be with him. At isa na si Alana sa mga yon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa kabila ng kagaspangan ng ugali ng huli ay walang pakielam ito kahit pa nga minsan na niyang naranasan yon.

"Hinahayaan kita sa pagsunud-sunod mo sa lalaking yan dahil nakikita ko naman na masaya ka. Pero Alana, isipin mo pa rin ang limitasyon mo. Babae ka! Sa totoo lang ay hindi mo dapat to ginagawa pero dahil kilala kita at alam kong hindi ka gagawa ng ikapapahamak mo, susuportahan kita. Pero please lang, if you already know that it's too much, just stop. You don't deserve someone who can't see your worth."

"I understand. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako masasaktan."

She gives me a reassuring smile before nodding her head a bit. Napabuga nalang ako ng hangin at nginitian siya para gumaan ang pakiramdam. Muli namang bumalik ang sigla nito at pinagtuunan na ng pansin ang mga naglalaro sa court. I watch her façade in an energetic way. Alam kong nasasaktan na siya sa pambabalewala ni Ken sa kanya pero hindi naman siya ganoong nagkukwento. She always assures me that everything is good and there's nothing to worry about. But I'm bothered. Ken Genesis Monteverde is a man in deception. Alana will only suffer with him.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon