MACE ALQUIZA
The swarm of wild, drunken people coiled together in the dance floor, grinding their asses off the beat and holding a bottle of liquor. Sa kabilang banda pa nang malawak na dance floor ng bar na pag-aari ni Eros Dodgerson ay ang grupo ng mga kabataang ginagawang tubig ang alak habang may mga kandong na babaeng salitan nilang binibigyan ng atensiyon.The whole place was in total chaos. Isama pa ang malakas at malaswang tugtugin na pumapailanlang sa kabuuan ng lugar, parang sinadya para sa mga taong nais ilabas ang init at kamundahang nais ng kanilang mga katawan. Everything’s just pretty wild and messy.
Eto ang unang pagkakataon na nakarating ako sa ganitong klase ng lugar at hindi naman ako ganoon nandidiri sa mga nakikita kong bulgar na kalaswaan dahil inasahan ko na. This must be the reason why Skyler never allows me to go in this place even Alana insisted that she will take care of me. Ngayon lang talaga ako sumuway at kahit alam ko ang konsekwensyang kahaharapin ko bukas, ay wala na akong pakielam. It’s not like I’m here to party anyway. May matino naman akong dahilan kung bakit ako napadpad dito at once na ipinaliwanag ko iyon kay Skyler, sana naman ay hindi siya magalit. I will also make sure to drag Alana’s name so my sentence will commute.
I smile sweetly with that thought, but when I look at Alana again, I couldn’t help it but to throw another deadpan look on her that made her smile forcibly with a frown forming on her brows.
“G-galit ka parin?” nag-iingat ang tono niyang tanong, ang nguso ay muling tumulis nang lumapit sa pwesto ko. Amoy na amoy ko tuloy ang pinaghalong bango niya at ang tapang ng amoy ng alak sa katawan niya.
Hindi pa kami gaanong nagtatagal sa bar counter simula nang magkita kami pero andami na niyang nainom. She said she could handle it. Mataas naman ang tolerance raw niya sa alak kaya hindi dapat ako mangamba kung malasing siya. The evidence is real anyway. Mukhang alam parin niya ang kasalanan niya at kung bakit masama ang timpla ng mukha ko.
“Lumayo ka. Amoy alak.”
She acts as if stomping her feet. Hindi ko siya pinansin at sinimsim ang juice na hiningi ko kay Jane na ngayon ay busy parin sa pag seserve sa mga customer niya. Now that I’m seeing it, sa tingin ko ay mali rin ang desisyong pumayag ako kay Alana na pumunta rito. Mukha namang hindi siya magkakaroon ng break sa dami ng tao at sa dami ng ginagawa niya.
“Iihhh, Mace naman. Sorry na nga. Hindi ko naman alam na ganun ang magiging reaction mo kay Kuya Kysler eh. I just asked him to fetch you nga. Hindi mo ba nabasa yung text ko? I double sent it, swear.”
She showed me her right palm, swearing, while holding the flute of wine. Her looks are kind of innocent while asking me to believe her.
Alam ko naman ang intensiyon niya pero kahit ilang beses pa niyang ipaliwanag ay naiinis parin ako sa naging sitwasyon namin ni Kysler. Nakailang hilot na ako ng sentido ko pero hindi ko naman magawang suminghal sa kanya lalo pa at wala naman siyang ginawang mali maliban sa pag hingi ng pabor sa demonyo niyang kapatid para sunduin ako. I know it was an irrational reason to be mad about. But it was Kysler we are talking about. She could have just done it herself or just let me come by myself. Kaya ko namang mag-isa at hindi ako kailangang sunduin pa lalo na kung si Kysler.
I was doing everything I could to avoid him, but why do these people keep making way for us?
Although they aren't aware of anything going on between the two of us, but Alana is aware of the score between her two brothers. Alam niyang hindi magkasundo ang mga ito kaya bakit niya pa pinapalapit sakin si Kysler? Why would she asked him to fetch me when there’s a possibility that Sky would get mad once he found out?

BINABASA MO ANG
Switch
Ficção GeralR-18 ❣ Bumilis ang tibok ng puso ko nang makumpirma ang hinala. Ang mga ngisi niya...ang matiim niyang tingin na halos pumaso sa buo kong katawan na kanina pa niya pinagmamasdan. Para akong malalagutan ng hininga. Anong katangahan ang ginawa ko? "...