Chapter 16

358 9 20
                                    

Warning: SPG (Ps: Don’t get excited to scroll down:))))

MACE ALQUIZA

True to his words, I haven't heard anything from Kysler in about three days, and I am beyond grateful. Sa sandaling panahon ay ramdam ko na ang pagtahimik ng buhay ko dahil alam kong wala ng asungot na manggugulo. Hindi katulad noong nakaraan na kahit isang linggo siyang hindi mapakita ay may banta parin akong nararamdaman dahil anumang oras ay pupwede siyang magpakita at gumawa nanaman ng kung anong kademonyohan.

I think it was somehow a good thing that I agreed to that deal with him. Kapag nagpatuloy ito ay baka mapatawad ko na siya sa lahat ng ginawa niyang kapangahasan sakin.

My feelings have all been back to normal, which I assume was the best thing that happened as a result of that agreement. Wala ang kalituhan na nagpapagulo sakin noon. Siguro nga ay talagang kailangan ko lang ng pahinga mula sa presensya niya para maging maayos ang lahat. Simula nang magkakilala kami ay hindi na nawalan ng takot at kaguluhan ang sistema ko dahil sa pangambang baka hindi lang masisira nang tuluyan ang relasyon namin ni Skyler, kundi dahil . . . baka nga tama siyang kahit hindi ko gusto ang mga ginagawa niya ay pilit iyong hinahanap ng sistema ko. Isang malaking pagkakamali ang bagay na iyon kaya hangga’t may pagkakataon pa, mas maganda na ngang matigil na.

I'm just thankful that I'm able to gather my emotions back. Kysler was just a sudden intrusion that triggered my desire. It wasn't much in comparison to my feelings for Skyler. It was untainted; so I will make sure to make things right and make hope it will never happen again. I just wish Kysler would come to his senses too and stops his subtle obsession. Pero sa nakikita ko naman at sa nararamdamang ginhawa ngayon ay mukhang tumupad siya sa usapan.

Tanghaling tapat pero napuno nang hiyawan ang malawak na bakuran ng mansiyon ng mga Wilson. Ito na ang huling araw ng bakasyon namin dahil sa mga susunod na araw ay kailangan na naming mag-ayos ng requirements para sa enrollment at sa field work. Alana, being the fourth year representative decided to host the last day of vacation at their house for a pool and wine party. Nagkasundo naman ang lahat, pero may ilan paring pinili ang magpahinga dahil sa isla rin naman sila nagtungo noong nakaraan. Ang kaibahan nga lamang ngayon ay may mga alak na kaya hindi nakakapagtakang hindi nag paawat ang iba.

Malakas ang tugtugin, marami narin ang mga table na nakaset sa ilang bahagi ng pool area dahil masyado pa namang maaga para magsimula. Kanina pa kaming nag-aayos ng mga bandiritas at naglalagay ng mga alak, baso at mga pagkain na pinaluto pa ni Alana sa mga chef nila. Marami na rin ang tao, pero hindi pa gaanong siksikan dahil alas-tres naman ang umpisa.

I’m on my bikini but I am wearing a mesh for cover up. Nakadolphin short din ako dahil nasa taas si Skyler at hindi ako papayagan noong magsuot ng revealing dahil maraming tao. He was off from work because he has been working nonstop. Palibahasa ay natuon ding anniversary ng kumpanya at ng mga magulang niya kaya plinano nilang pagsabayin ang event kaya kailangan niyang maging hands on sa lahat.

My poor baby. He keeps apologizing for not being able to give me time now, especially since we'll be celebrating our first anniversary two days from now too. Naiintindihan ko naman kaya imbes na bumawi siya sakin ay pinagpahinga ko muna siya.

“Hey.”

Kumunot ang noo ko nang mag-angat ako ng tingin mula sa paggugupit ng decorations ay bumungad sakin ang kalmado o mas tama siguradong sabihin ay walang emosyong mukha ni Ken. Nakalagay sa bulsa ng boardshort niya ang kamay at ang isa ay may hawak na plastic cup. He was wearing a black sando, and his aviator is place on its neckline.

“Hey to you too. May kailangan ka?” mahinahon kong tanong bago binalik ang atensiyon sa ginagawa.

I notice Ken wasn’t the usual snob he is after I was introduced that he was Wilson’s family friend. Wala pa rin namang nagbago sa pagiging misteryoso niya but he’s a bit open now with his expression. Madalas ko rin siyang nakikitang kinakausap si Alana at bumubuntot dito pero hindi ko naman alam na seryoso pala ang huli sa pag-iwas. It’s not like it seems that she was asking him to chase her. Ewan ko ba sa babaeng iyon dahil pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Ken ay parang bulang naglaho ang nararamdaman niya.

Switch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon