CHAPTER 1

306 8 1
                                    

Paisley Shae Nevares's POV

Huminga ako nang malalim bago sabihin ang... " I like you, Veronica! " mariin akong pumikit matapos lumabas sa bibig ko ang kagatang iyon, hinihintay ang magiging sagot n'ya sa pag amin ko.

*Ba boom!* *Ba boom* My heart is racing right now. Yawa!, I've never confessed my feelings before to someone.


" Pais- " hindi pa niya tapos sabihin ang pangalan ko nang may biglang tumawag sa kaniya, kaya sabay namin itong nilingon.

Tinignan ko ang babaeng tumawag kay Veronica ng BABY.

" Baby! " malambing na tawag ng babae.

Si Xandra, ang babaeng lagi kong nakikita sa Social Media ni Veronica. Unang tingin palang alam kong may lahi siya gaya ni Veronica. Hindi ko alam kung ano ang relasyon nila, pero hinihiling ko na sana hindi sila mag Girlfriend.

Iniisip ko kung ano ang pwede kong gawin para makaalis dito. Tinignan ko ang hawak kong gift, ibibigay ko lang ito at aalis na ako. Bahala na kung hindi ko malaman 'yong sagot niya.

" My graduation gift for you " ngiti kong sabi at inabot ang maliit na box na naglalaman ng customized bracelet. Pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag kabahan, dahil ayaw kong iabot yung gift habang nangiginig ang kamay ko. Nakakahiya...

" Thank you, Paisley " ngiti niyang sagot bago kunin ang box. Sige ngumiti ka pa para lalo akong ma fall. Kung sinagot mo sana yung pag-amin ko hindi ako aasa. Yawa! Sakit mo namang mahalin babe.

Hindi pa ako tapos mag muni-muni ng biglang nagsalita si Xandra na hanggang ngayon naka pulupot pa rin ang kamay sa braso ni Veronica, dahilan para ikainit ng ulo ko.

" Baby, let's go " aniya saka hinila paalis si Veronica. Bastos kayo ah, may tao dito oyyy.

Kunot-noo kong tinignan ang dalawa nang huminto sa paglalakad at tumingin sa'kin.

" Btw, Congrats sa'yo Paisley " ngiting bati ni Xandra. Hindi naman pala bastos eh, gan'un kasi dapat. Kilala niya ako?, sinabi siguro ni Veronica ang name ko.

MAY PA CONGRATS KA PANG NALALAMAN, EH PANIRA KA NAMAN NG MOMENT...

" Thank you " ngiti kong sagot, pero deep in side naiinis at naiiyak na'ko. Kumaway muna s'ya bago sila nagpatuloy sa paglalakad palayo sa'kin.

Hinihintay kong tignan ako ni Veronica, pero bigo ako. Ni hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan n'ya, nung nagsalita si Xandra... Sakit mo talaga mahalin babe.

Para akong natataeng nakaupo dito sa gitna ng hallway, habang tinatapakpan ang mukha kong lumuluha dahil sa nangyari.

" Bakit kasi ang daming epal sa earth yawa! " galit kong sigaw sa hallway.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako na nasa gan'ung posisyon, pero pinagdarasal ko na sana walang dumaan na tao at makita ang katangahang ginagawa ko.

" Paisley " agad kong tiningala ang pamilyar na boses na tumawag sa'kin.

" Hey!, What's happen? " alalang tanong ni Yanna na bestfriend ko, habang papalapit sa gawi ko. Pinunasan ko nang panyo ang mukha kong luhaan, bago pa siya makalapit sa'kin.

" Yan- " hindi ko pa man natatapos banggitin ang pangalan niya ay bigla na naman akong napahagulgol sa pag iyak. Kakapunas ko palang ng luha ko, umiiyak na naman ako PISTING YAWA.

" Yawa naman Paisley, " inis niyang sabi. " Tell me what's happen? " ramdam ko ang pag-alala niya sa'kin. Ako naman 'tong umiiyak pa rin, at hindi alam kung hanggang kailan iiyak na parang tanga. Hindi ko man lang sinagot ang tanong ny:a, dahil hindi ko din naman alam kung paano ikuwento sa kaniya ang nangyari.

" Fine! hindi na'ko magtatanong, halata namang wala kang balak sabihin sa'kin eh " aniya, ramdam ko ang tampo mula sa boses n'ya pero hindi ko talaga magawang sumagot.

Ilang minuto n'ya rin akong pinapatahan, dahil hindi ko din alam kung kailan ako hihinto kakaiyak.

" Tahan na Paisley, baka nakakalimutan mong may flight kayo bukas pa Cebu." paalala niya. Dahan-dahan niya akong pinatayo bago nagsalita ulit. " Naka uwi na sila tita, may aasikasuhin daw. Kaya sabay na tayo umuwi. " aniya. Wala na akong gana pa magsalita, kaya napatango na lamang ako. Feeling ko naubos lahat nang lakas ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili para tumigil kakaiyak, dahil nahihiya na ako kay Yanna.

Nandito ako ngayon sa car nila Yanna, nakatulalang nakatingin sa labas ng bintana... Tinatanaw ang mga asul na ulap para ikalma ang pusong sawi, at umaasang mawawala ang sakit na nadarama.

.......

Nagising ako nang may maramdamang kumakalabit sa'kin. Nakatulog na pala ako habang nagmumuni muni kanina.

" Paisley! " rinig kong tawag ni Yanna, kaya agad ko s'yang nilingon. Bakas sa mukha n'ya ang pagka dismaya , at kung ano ang dahilan ay hindi ko alam.

" Ba't gan'yan mukha mo? " taka kong tanong.

Hindi s'ya nagsalita, pero binigay n'ya sa'kin ang phone n'ya kaya tinignan ko ito.Muntik ko pang mabitawan 'yung phone dahil sa nakita, buti nalang at kinuha niya agad.

" She's the reason right? " tanong n'ya habang nakaturo sa post ni Veronica sa IG n'ya.

Hindi man detalyado ang pag kakasabi n'ya ay naintindihan ko agad ang ibig sabihin n'ya. Hindi ako umimik, dahil loading sa utak ko yung pinakita niyang picture.

" Silent means yes " mataray niyang sabi, kaya napayuko na lamang ako. Yawa, naiiyak na naman ako... Yawa ka talaga Paisley.

" Alam mong hindi lang basta normal picture yun diba, nakakapagtaka nga naman. " saka binigyan ako ng makahulugang tingin.

" Lahat ng kasama ni Veronica ay Cibrina Family, maliban dito sa girl na nag ngangalang Xandra " dagdag niya pa habang nakaturo sa mukha ni Xandra. Tinignan n'ya ako nang nakataas ang kanan n'yang kilay. Pinagmamasdan ang mukha ko kung may makukuha ba siyang sagot mula sa'kin.

" Eh ano naman!" inis kong sagot.
" Kung girlfriend man n'ya si Veronica, edi sila na" bitter na kung bitter. Yawa hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko.

" Hindi ko na alam Paisley! " nakahawak sa sentido niya na para bang nababaliw na siya sa kakaisip
" Hindi ko naman lovelife 'to, pero bakit ako 'tong na stress " irita n'yang sagot, habang nakahawak sa sentido na para bang nababaliw na siya sa kakaisip.

" Sorry na " masuyo kong paghingi ng tawad sa kan'ya, na guilty tuloy ako. Marami na kasi akong binigay na problema sa kan'ya, lalo na kapag si Veronica na ang usapan.

" Okay ka'na ba? " alala n'yang tanong sa'kin. Iniba niya ang usapan, dahil alam niyang wala namang patutunguhan 'tong pinag-uusapan namin.

" Okay na okay " binigyan ko s'ya ng maganda ngiti para maniwala s'ya.

I'm good at hiding my true feelings... GOOD AT HIDING DAW Pero umiiyak kanina... Katangahan nga naman, patawa ka girl.

" Mabuti naman, kitakits sa aiport bukas " aniya, tumango ako bilang sagot.

Huminto ang car nila sa harap ng bahay namin, kaya bumaba na'ko.

" 'Wag kang malalate bukas ah! " pahabol ko, bago isara ang pinto ng kotse. Hinintay ko munang makaalis ang kotse nila Yanna bago ako pumasok sa bahay.

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon