CHAPTER 28

13 2 0
                                    

Third Person POV

2  YEAR LATER

"  Paisley you're drunk " iritang saway  ni Jaycee sa lasing niyang kaibigan na si Paisley.

Kasalukuyang nag-iinom ang kaibigan sa sariling restobar ni Jaycee. Buti na lamang at nasa VIP Room sila, kaya walang ibang makakakita sa kung ano mang gagawin nang kaibigan nilang si Paisley

" Alam mo Yanna, it's been a two years pero heto ko umaasa na babalik siya " naiiyak na sabi ni Paisley at uminom ng alak. Bakas sa mukha ng tatlong kaibigan ang awa para sa kaibigan nila, ngunit hindi rin nila alam kung paano ang gagawin para sa kaibigan.

" Tangina mo te, tumigil ka na hindi na babalik sa pinas yun " iritang sagot ni Yanna, paubos na ang pasensya nito sa kaibigang lasing.

" Ang SAKIT SAKIT Yanna " reklamo ni Paisley habang hinahampas ang sariling dibdib, at humahagulgol sa pag iyak.

" Te  move on na 2 years na siyang walang paramdam sayo, maging masaya ka na lang kasi  pareho na kayong successful  " singit ni Xandra.  Takot man na lalong masaktan ang kaibigan, ngunit kailangan niyang sabihin para matauhan na ito.

" Aanhin ko ang papaging successful ko kung sa KANIYA lang naman ako sasaya " hugot ni Paisley at wala sa sariling tinitigan ang picture nilang dalawa ni Veronica sa cellphone nito.

Agad na hinablot ni Jaycee ang cellphone at itinago sa bulsa nito, naguguilty ito na nakikitang nasasaktan ang kaibigan kahit hindi niya naman kasalanan ang nangyaring hiwalayan sa pinsan at kaibigan niya.

" Tangina te ang korny mo, dapat talaga hindi ka na namin dinala rito at hayaan ka na puro work  ang inaatupag " nagsisising sabi ni Yanna. Kunti na lang ay ubos na ang pasensya sa kaibigan.

" Pero ang hottie Ngayon ni Veronica sa bagong magazine niya " singit pa ni Xandra, kasunod nito ay nakatanggap siya ng hampas mula kay Jaycee na girlfriend niya.

" Tumigil ka na Xandra, lalong hindi makakamove on si Tanga " saway ni Yanna nang napansin ang sunod-sunod na inom sa alak ni Paisley.

" You should change your name from Paisley to Tanga, bagay na bagay sa'yo " utas ni Yanna dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang makamove on ni Paisley.

" Should i change it? " sagot ni Paisley, at tutok na nakatingin kay Yanna habang hinihintay ang isasagot nito.

Ang mag girlfriend naman ay agad kinuha ang lahat ng alak sa mesa at nilagay sa kitchen island nang hindi napapansin ni Paisley.

" Tangina te, don't you hear my sarcastic tone? " iritang sagot ni Yanna sa kaibigang lasing.

" La-lasing ka na " utas ni Paisley sabay turo kay Yanna " Nag e-english ka na eh " dugtong pa nito kaya napabuntong hininga na lang si Yanna.

" PAISLEY ! " sabay-sabay nilang tawag ng bigla itong nahulog sa upuan, nang lapitan nila ito ay nakatulog na pala sa sobrang kalasingan. Nagkatinginan ang tatlo na tila alam na ang gagawin sa kaibigang lasing.

Agad na binuhat ng pa bridal style si Paisley, si Yanna ay agad na binuksan ang room ng VIP habang si Xandra ay bitbit ang shoulder bag at coat ni Paisley.

Mabuti na lang at may sariling parking lot ang VIP room kaya paglabas nila sa kabilang pintuan ay nasa parking lot na sila, sinadya talaga ni Jaycee ang ganung design sa VIP Room, para hindi na kailangan lumabas sa mismong exit ng Restobar niya.

" Kami na ang maghahatid sa kaniya  " utas ni Xandra nang naikabit ang seatbelt ni Paisley sa Passenger seat.

" Are you sure? " tanong ni Yanna, at sinilip ang natutulog na si Paisley.

" Yes para hindi ka na mahirapan, magkaibang way pa naman ang condo mo sa house ni Paisley "  sagot ni Xandra.

" Sige, ingat kayo " paalam ni Yanna at sumakay sa kotse.

" Ingats " paalam ni Xandra at agad sumakay sa kotse ni Jaycee, habang si Jaycee ay nasa kotse ni Paisley.

Palabas na ang tatlong kotse sa hi-way at Bago pa lumiko pa kana ang kotseng sakay si Yanna ay bumusina Muna ito sa dalawang kotse at tuluyang umalis.

2 HOURS LATERRRRRR

Narating nila ang malaking bahay ni Paisley, agad na ipark ng mag girlfriend ang kotse. Agad na bumaba si Xandra para tulungan ang Girlfriend na ilabas sa kotse ang kaibigan.

" Paano makakamove on si Paisley, kung nagstay siya sa  pinagawang bahay ni Veronica " utas ni Xandra nang buksan ang malaking pintuan at ang ilaw ng buong bahay. Sa tagal nilang hinahatid ang kaibigan sa bahay na ito, ay ngayon niya lang naisip tanungin kung bakit nandito pa rin ang kaibigan.

" Hindi natin siya masisisi love, 'saka naipangalan na 'tong bahay sa kaniya bago maghalo ng parang bula si Veronica sa bansa "  sagot ni Jaycee. Agad nilang hinatid sa kwarto ang kaibigan para makatulog na ito ng maayos.

Nang nailapag ni Jaycee si Paisley sa kama, ay agad na lumapit si Xandra para tanggalin lahat ng suot ni Paisley at isinuot ang night dress ng walang kahirap hirap. Hindi na bago sa maggirlfriend na gawin ito sa kaibigan, dahil simula ng mag break ang dalawa ay lagi silang kasama mag-inom ni Paisley sa tuwing may time ito pagtapos ng trabaho.

" Wala ka bang balita kay Veronica? " biglang tanong ni Xandra nang tapos na niyang bihisan, punasan at kumutan ang katawan ni Paisley.

" In-update ko  siya tungkol kay Paisley, pero never siyang nagreply " sagot niya at tinignan ang natutulog na kaibigan. Tinignan niya si Paisley at bakas sa mukha niya ang awa para sa kaibigan, hindi niya alam kung paano ang gagawin. Dahil kahit walang sinasabi ang pinsan niya ay umaasa rin siyang babalikan ang kaibigan niya.

" Love it's okay, at least nagawa mo 'yung part mo as a cousin and as a friend " comfort ni Xandra sa girlfriend ng nakitang tahimik na tinignan ang kaibigan nila.

( A/N: Hello Everyone, I'm back ... I'm sorry for not updating for  2 months, and nagbabalik  ako dahil tapos na ang midterm exam...
So 'yun lang I hope that you'll have a great day... Sorry na agad sa mga typo, iedit ko na lang siya if may time na ulit ko...
Loveyahhhh all)

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon