Paisley Shae Nevares's POV
" Okay ka na ba? " tanong niya at nilapitan ako. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit siya sa akin.
" Mukha ba akong okay? " supladang sagot ko, kahit grabe na talaga iyong kabang nararamdaman ko.
" Ang putla mo " utas niya. Tinignan niya ang mukha ko, kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.
" Paki mo " mataray na sagot ko. Ano ba kasing ginagawa niya dito, yawa naman.
" Bakit kasi hindi mo na lang sabihin, kung ano ang kailangan o gusto mong sabihin sa akin " irita kong sagot. Kumalma ka Paisley, 'wag masyadong mainit ang ulo.
" Makikinig ka ba sa sabibihin ko " utas niya, kaya taka ko siyang tinignan. Pinapainit talaga nito ulo ko eh, hindi na lang kasi sabihin yawa.
" Tangina sabihin mo na- " napapikit ako nang may naramdamang lumapat sa labi ko.
HINALIKAN NIYA AKO SA LABI??
" Ve-veronica! " gulat kong tawag sa kaniya, nang alisin niya ang labi niya sa labi ko.
Hindi siya tumingin sa akin, hindi ko na maipaliwanag kung anong nararamdam ko.
" Pagaling ka muna, tsaka tayo mag-usap " sabi niya at mabilis na hinalikan ang noo ko. Hindi ako nakasagot agad dahil loading pa rin sa akin ang ginawa niya, tinignan ko siyang dali-dali lumabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung ilang segundo o ilang minuto akong nakatulala, nagloloading ang utak ko dahil sa nangyari.
" KYAAAAHHHHHHHHHH! " malakas na tili ko at napatakip ng kumot.
" Anong nangyari? " tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin nang tumambad ang kabadong mukha ni Yanna. Malakas ba iyong pagkakatili ko.
" Hindi ka naman maniniwala kapag sinabi ko sa iyo " sagot ko sa kaniya.
" Sabihin mo muna, para malaman ko kung maniniwala ba ako " natatawa niyang sagot.
" Ano kasi " hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko. Yawa kinikilig ako..
" Sabihin mo te, 'wag kang pabitin " irita niyang utas.
" Nagkiss kami ni Veronica " mabilis kong sabi at napikit na lamang.
" Te, malala ka na " aniya. Ang yawa ayaw maniwala.
" Hindi nga ako nabibiro, kailan ba ako nagbiro sa'yo tungkol sa kiss ha " iritang sagot ko sa kaniya, yawa ang hirap talaga mag explain sa gaya niya.
" Seryoso ka? " tanong niya nang seryoso ko siyang sagutin.
" Oo nga " sagot ko pa.
" Ano?, Paano? at Bakit nangyari? " sunod-sunod niyang tanong sa akin.
" Ang nangyari kasi, tinanong niya ako kung okay na ba ako " simula ko.
" HAHAHAHAHAHA " kumunot ang noo ko sa biglang pagtawa niya, nabuang na ang animal .
" 'Wag mo nang sabihin, narinig at nakita ko naman lahat " ngisi niyang sabi sa akin.
" Alam mo naman pala eh, bakit umaarte ka pa na hindi mo nakita at narinig. " iritang sagot ko sa kaniya, yawa nakita niya naman pala lahat eh.
Nakita niya?Paano?... Sa pagkakaalam ko sinara niya ang pinto.
" Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa inyo " sagot niya kaya napangisi na lamang ako.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Novela JuvenilGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...