CHAPTER 8

169 5 3
                                    

Veronica Vien Cibrina's POV

" Rainley,  hinahanap mo  daw ako? " tanong ko nang nakarating sa  labas ng Hospital.

" Ate Veronica,  wala ka  ba talagang gusto kay Ate? "  hindi ko inaasahang iyon ang magiging tanong niya. Fuck,  hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya.

" You know that I like Paisley? "  tanong ko pabalik, kahit na medyo kinakabahan ako sa biglang pagtanong niya. Hindi ko alam kung bakit feeling ko galit sa akin si  Rainley. Posible talagang magalit siya kasi alam niyang may gusto sa akin ang ate niya, at wala man lang akong  naging sagot sa pag confess ni Aisley. 

" Matagal na, baka nga hindi pa kayo magkaibigan nung nalaman ko "  sagot niya. Matagal niya na ba akong gusto?. " Okay lang naman kung wala kang gusto,  pero sana sabihin mo  kay Ate. Masakit  kasi umasa sa wala " dagdag niya pa. Makapagsalita siya akala niya marami siyang nalalaman  tungkol sa amin.

" 'Wag kang mag alala kakausapin ko siya " iyon na lamang ang naisagot ko. 

" Dapat lang, naaksidente na sila't lahat tapos hindi mo pa rin kakausapin "  utas niya. Tama naman siya, naaksidente na  iyong tao tapos  hindi ko pa rin kakausapin. Ang sama ko namang tao pag ganun, tsaka  kaibigan ko  pa rin siya.

" Mas maganda kung magkausap kayo ni Ate... Kung may gusto ka rin sa kaniya,  mukhang maglalaban kayo ni Kuya  Jayzer "     dugtong  pa niya at ngumisi. Fuck,  kung hindi lang talaga ito kapatid ni Paisley kanina ko pa ito nasapak. Wala akong tiwala kay Jayzer, nagcheat na siya noon at posibleng mangyari ulit iyon.

" Hindi mo sure na maglalaban kami, tsaka  hindi naman natin alam kung balak niya ba talagang balikan si Paisley "  sagot ko.  

Sa tingin niya ba ay hahayaan kong mapunta ulit si Paisley kay Jayzer. Paisley had a trauma because of him.

" Hindi mo rin sure,  baka kayong magpinsan talaga ang maglaban para kay Ate "  sagot nito. Hindi ko siya magawang sagutin pabalik. Hanep,  matalinong bata pati usapang hindi naman dapat siya nakikisali.

" Talo naman si Jayzer kung ako ang gusto ni Paisley "  proud kong sagot.  

" Yabang mo insan "   boses pa lang,  alam kong si Jaycee iyon. Fuck, bakit ba kasi siya nandito. 

" Yabang niya,  hindi naman magawang umamin kay Ate " utas ni  Rainley.  Nakaka offend na masyado pinagsasabi nito.

" Ang weak niya noh "  dugtong pa ni Jaycee,  mukhang nag eenjoy silang asarin ako.

" Nagsalita ang hindi nag first move "  sagot ko direkta kay Jaycee. Alam kong naasar siya  sa sinabi ko.

" Walang personalan insan " sagot niya pabalik kaya napangisi ako.

" Magpinsan talaga kayo,  parehong WEAK "  singit ni Rainley kaya tinaasan ko siya ng kilay.

" Kapatid ka nga talaga ni Paisley,  pareho kayong pasmado bibig "  inis na sabi ni Jaycee...

" Mga babae nga naman "  mahinang utas ni Rainley pero narinig ko naman.

" 'Wag kang bubulong kung naririnig naman namin "  sagot ko.

" Hindi ako natutuwa sa pinagsasabi mo, babaeng pogi kasi kami "   sagot na ni Jaycee.

" 'Wag mo nang patulan  "  saway ko, halata namang nang iinis lang iyong bata.

Napabuntong hininga na lamang ako nang nakitang  nagbabangayan ang dalawa. Bakit ba kasi nandito 'tong si Jaycee,  ayaw patalo sa bata. Nabaling ang tingin ko sa kotseng bumubusina sa harap namin, alam kong kotse ito nila Rainley.

" Umalis ka na nga,  hinihintay ka na nila Tita "  utas ko at itinuro ang kotse, mukhang hindi niya narinig ang pagbusina dahil busy siyang makipagbangayan kay Jaycee.  

Hinintay muna namin ni Jaycee  na makaalis si Raninley bago pumasok sa Hospital,  pumunta si Jaycee sa Restroom kaya ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Huli na nang mapansin kong nandito ako sa labas ng pintuan ni Paisley.

Fuck,  Vero  anong pumasok sa isip mo at nakatayo ka ngayon sa labas ng kwarto ni Paisley. Lutang ka na naman.

Veronica

" Oh bakit narinig ko pangalan ko? "  tanong ko matapos buksan ang pinto. Ang bastos ko naman, hindi man lang kumatok bago pumasok. Gulat silang tumingin sa akin, hindi yata nila inaasahang pupunta ako rito.

" Wala "  mabilis na sagot ni Paisley. Tinignan ko siya pero  umiwas agad siya nang tingin.

Fuck, Vero huwag kang magpadalos-dalos.

" Yanna,  pwede bang iwan mo muna kami ni Paisley? "  tanong ko kay Yanna,  at tumingin ulit kay Paisley. Fuck,  bakit ang putla niya. 

" Sige,  tawagin mo na lang ako pagtapos na kayong mag-usap "  sagot ni Yanna. Tumingin muna ito sa gawi ni Paisley at kumindat bago lumabas ng kwarto. Napangisi ako sa ginawa niyang pagkindat kay Paisley, mukhang alam niya rin ang tungkol sa amin.

" Anong kailangan mo? " walang emosyong tanong  niya sa akin.

" Ikaw "  mabilis na sagot ko,  sana ma gets mo mahal.

" Tangina!,  sumagot ka nang maayos " iritang sagot nito,  kaya napangisi ako.

" Magmura ka pa,  para makita mo hinahanap mo " utas ko,  pansin ko na kinabahan siya. Fuck,  ang cute niya kabahan.

" Eh ano ba kasing gusto mong sabihin? " tanong nito.

Mag isip ka Vero,  Pumunta punta ka sa kaniya tapos hindi mo alam sasabihin mo.

" Okay ka na ba? " tanong ko at nilapitan siya.

" Mukha ba akong okay? "  supladang sagot niya.

Napapala mo Vero,  nasaktan mo siya. Anong inaasahan mo na magiging trato niya sa iyo.

" Ang putla mo "  utas ko at nilapitan siya. Tinignan ko ang maamo niyang mukha bago tignan ang maputla niyang labi.

" Paki mo " mataray na sagot nito.

" Bakit kasi hindi mo na lang sabihin,  kung ano ang kailangan o gusto  mong sabihin sa akin " irita niyang sagot. Masyado naman yatang mainit ang ulo niya.

" Makikinig ka ba sa sabibihin ko "  hindi ko alam kung tama pa ba ang mga lumalabas sa bunganga ko.

" Tangina sabihin mo na— "   pinutol ko ang sasabihin niya nang halikan ko siya sa labi. 

HINALIKAN KO SIYA SA LABI, PERO BAKIT  ANG LAMBOT NANG LABI NIYA... FUCK YOU VERONICA

" Ve-veronica! " gulat niyang tawag sa pangalan ko.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa ginawa ko. Hindi ka na naman nag iisip Vero.

" Pagaling ka muna, tsaka tayo mag-usap " utas ko at mabilis siyang hinalikan sa noo. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-daling lumabas ng kwarto. Fuck Vero, bakit ba kasi padalos dalos ka.

Nakalabas ako nang kwarto at nakita kong may kausap sa phone si Yanna. SInenyasan ko siya na  pupunta ako sa kwarto ni Jayzer, tumango siya kaya agad akong naglakad.

Sinira mo na naman sarili mong plano Vero... Mukhang kailangan mong baguhin ang plano mo dahil sa padalos-dalos mong kilos.

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon