Paisley Shae Nevares's POV
ONE MONTH LATER
October 2, Paisley's 19th Birthday
" Anak ready ka na ba? " tanong ng kapapasok lang na si Mommy.
" Opo " sagot ko kahit na hindi naman talaga ako ready.
Nalaman ko kay Rainley na merong media sa baba, at talagang hinihintay nilang maireveal kung sino ba talaga kami ni Rainley dahil ito pa lang ang unang beses na malalaman ng lahat na anak kami ni Alejandro Nevares. Ikaw ba naman itago mula pagkabata at hindi talaga nila kami hinayaang makita ng kahit sino para lang lumaki kaming ordinaryong tao gaya ng iba.
" Mommy may gusto po akong sasabihin sa inyo ni Daddy bago po magstart ang party " utas ko, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko.
Ang desisyon ko na sabihin sa kanila ang relasyon namin ni Veronica sa mismong birthday ko. Ito lang ang naiisip kong paraan para hindi sabihin ni Daddy ang tungkol sa mga mana mana na 'yan.
" Sige, tatawagin ko ang Daddy mo " aniya at lumabas sa kwarto ko.
Ayokong magkagulo kami ngayong araw ng birthday ko, pero kailangan kong sabihin sa kanila dahil isang buwan ko nang girlfriend si Veronica. Lord gabayan niyo po ako ngayon gabi... Amen.
Naisipan kong ichat si Veronica.
" Where are you " chat ko rito, nakatitig lang ako sa phone ko at nagbabakasaling magreply siya agad.
Natigil ako dahil sa " Ang ganda mo gurl " puri ng baklang make up artist ko nang natapos siya.
" Thank you po " pasalamat ko ngiting-ngiti siyang tinignan mula sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa itsura ko, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa itsura ko ngayon.
Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin, ang masasabi ko ay malayong-malayo sa normal kong itsura.
" Dapat ganyan ang ngiti mo mamaya ah , lalo kang gumaganda sa ngiti mo " sabi ng hairstylist kong tapos na rin sa pag-ayos ng buhok ko.
" Korek!, mukha kang barbie pag nakangiti " dagdag pa ni ate bakla, tama nga siya nagmukha akong barbie ngayon dahil bumagay sa'kin ang make up lalo na ang ponytail hair ko na may konting pakulot.
" Thank you po sa inyong dalawa " pasalamat ko ulit. Mas maganda pa yata ako ngayon, kaysa sa debut ko. Pamilya at close friend lang kasi ang inimbitahan last year, hindi gaya ngayon na pati yata mga empleyado ng Nevares Company ay nandito sa mansion namin.
" You're welcome be, mukhang sa'yo ko ipaglilihi ang maging anak ko para magmukhang barbie " pabirong sabi ni ateng hairstylist.
" Ang ganda naman kasi ng lahi niyo be, pwede bang magpalahi " natatawang sabi ni ate bakla, pati tuloy kami ni ate ay natawa sa biro niya.
Natigil ang tawanan namin ng may kumatok at agad na bumukas ito. Ang kaninang saya ay napalitan ng kaba dahil tatlo silang nandito ngayon.
" Lalabas na po muna kami " paalam ng dalawa at agad na lumabas.
" Anak, may sasabihin ka raw? " bungad na tanong ni Daddy at hinihintay ang sagot ko.
Huminga muna ako ng malalim at isa-isa silang tinignan " Girlfriend ko na po si Veronica " mabilis na sagot ko at napayuko sa sobrang kaba at takot.
Lalo akong kinabahan ng hindi man sila nagreact kaya inangat ko rin ang ulo ko para tignan ang mga reaction nila.
Nagtama ang tingin namin ni Daddy at agad akong umiwas dahil sa sama ng tingin niya " Makipaghiwalay ka sa kaniya! " galit na sagot ni Daddy at hindi ko alam kung bakit parang nabingi ako sa narinig ko.
Tangina, ganito pala kasakit na utusan kang makipaghiwalay sa taong mahal mo.
" Ayoko ko po " mabilis na sagot ko ko at nagsimulang bumagsak ang mga luhang hindi ko inaasahang babagsak.
" Sa ayaw at sa gusto mo ay makikipag hiwalay ka " seryosong utos ni Daddy kaya lalo akong naiyak.
Nagsisi akong sinabi ko sa kanila lalo na sa kaniya, sana pala talaga at inilihim ko na lang sa kanila ang relasyon namin. Edi sana malaya pa rin akong gawin ang gusto ko kasama si Veronica.
" Mahal, 'saka na natin pag-usapan 'yan baka nakakalimutan mong birthday niya ngayon " pigil ni Mommy at pilit pinapakalma si Daddy.
Nilapitan ako ni Rainley at pinunasan ng tissue ang luhaan kong mukha. Pilit kong pinipigilan na huminto sa pag-iyak dahil alam kong awang-awa si Rainley sa nakikita niya.
Pilit ko siyang nginitian at kinuha sa kamay niya ang tissue.
" Dahil sa sinabi mo ay hindi ko ipapaalam ngayon na ikaw ang susunod na tagapagmana, dahil hindi ako natutuwa sa ginawa mo " inis na sabi ni Daddy at padabog na lumabas ng kwarto.
Okay na okay sa'kin na hindi niya sabihing tagapagmana niya ako, pero hindi talaga magiging okay at never talaga akong papayag na makipaghiwalay kay Veronica.
" Anak, 'wag mo na lang muna isipin ang sinabi ng Daddy mo... Tahan na at malapit na magstart ang party mo, 'wag na umiyak birthday girl " patahan ni Mommy at dali-daling lumabas sa kwarto ko, sigurado akong kakausapin niya si Daddy.
" Ano na pong gagawin niyo ate? " tanong ni Rainley ng kaming dalawa na lang habang pinapanood akong ayusin ang sarili ko.
Buti na lang at waterproof ang make up ko at hindi siya nasira pero mukhang kailangan akong iretouch para bongga pa rin at hindi mahalatang umiyak ako.
" Hindi ko pa alam eh " sagot ko at pilit ngumiti sa kaniya, buti na lang kahit papaano ay naikalma ang sarili ko.
" Nakita ko si ate Veronica kanina, papuntahan ko ba siya rito? " tanong niya kaya tinignan ko siya. Hindi ko alam kung tama bang papuntahin ko siya rito after nang nangyari.
Umiling ako " Hindi na, malapit na magstart ang party at baka lalong magalit si Daddy pagpinapunta ko pa rito si Veronica " paliwanag ko. " Paki-tawag na lang yung make-up artist para maayusan ulit ako, kailanan ko na rin kasi masuot 'yung gown" utos ko sa kaniya, hindi na siya sumagot at agad na lumabas.
Nakakahiya tuloy kila ate na inayusan ako ng ilang oras tapos masisira lang ng ilang segundo dahil sa luha ko.Mapait akong ngumiti sa harap ng salamin, deserve ko ba talagang masaktan sa mismong kaarawan ko?
Akala ko ay papayag siya dahil alam niyang kaarawan ko, pero mali ang akala ko dahil kahit na kaarawan ko pa ay hindi siya papayag na hindi masunod ang gusto at utos niya.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...