Paisley Shae Nevares's POV
Kahit saan ako magpunta, puro Veronica ang naririnig ko, na kesyo baka magfanmeet si Veronica kaya siya babalik sa Pinas. Kung ano-ano ang naririnig ko at naririndi na ako.
Nandito ako sa VIP Room ng Restobar ni Jaycee, anong ginagawa ko rito? Syempre mag-iinom para diretso tulog mamaya, sa nalaman ko ngayon siguradong hindi ako makakatulog kaiisip kay Veronica.
" Tatanggapin mo ba si Veronica kung babalik siya? " biglang tanong ni Yanna, at talagang hinihintay niya ang sagot ko.
" Alam kong narinig niyo ang usapan namin ni Rainley, pero sige sasagutin ko ulit na HINDI KO NGA ALAM " sagot ko at talagang diniinan ko ang salitang hindi ko alam.
" We're serious te, if babalik siya tatanggapin mo pa rin ba siya? " ulit na tanong ni Xandra, ngayon ay tatlo na silang nag aabang sa sagot na ibibigay ko.
Ano nga ba???
" Ako ang dahilan kung bakit siya umalis, kung babalik siya sa'kin... Gusto ko siyang tanggapin pero hindi ko na alam kung ano pang pwedeng mangyari mapaghiwalay lang ulit kami " malungkot na sagot ko.
Mula ng makipag break ako sa kaniya, tanggap ko nang hindi na siya babalik sa'kin.
Pero sa loob ko ay umaasang sana ako pa rin, na sana hindi magbago 'yung pagmamahal na meron siya para sa'kin pero alam kong nagbago na 'yun dahil sa ginawa kong tapusin ang relasyon namin.
" Where's my Paisley? " napalingon kaming lahat sa pintuan ng narinig ang pamilyar na boses, ang boses na hinihiling ko na hindi marining habang buhay.
" Yawa, nganong naa man ka dire? " gulat at pinaghalong inis na tanong ni Jaycee. Kahit ako ay mapapatanong kung anong ginagawa niya rito, hindi na dapat siya bumalik dito.
" Syempre bumalik ako para kay Paisley " sagot niya at ngiting lumapit sa'kin, gaya ng dati ay sinamaan ko siya ng tingin.
" 'Wag kang tatabi sa'kin " inis na pigil ko sa kaniyang umupo sa tabi ko.
" Alam mo Jayzer, dapat hindi ka na bumalik... Ang saya saya ni Paisley nung nawala ka " iritang sabi ni Yanna at tumabi sa'kin.
" Gusto lang naman siya makausap ng maayos " seryosong sagot niya at nasa sa'kin pa rin ang tingin, pero hindi ko siya tinitignan at naiirita ako sa kaniya.
" Umalis ka na lang kuya " singit ni Jaycee.
" Paano kami makakapag usap ng matino ni Paisley kung lagi kayong nakabantay sa kaniya, eh wala naman akong masamang gagawin sa kaniya " dipensa pa ni Jayzer, bat ba kasi pumunta na naman siya.
" Hindi ka ba napapagod na 2 years ka nang pabalik balik sa Manila para kay Paisley? " seryosong tanong ni Jaycee, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Kinakabahan ako na baka ako pa ang maging dahilan ng alitan nila sa isa't isa.
" Hangga't hindi ko siya nakakausap ng maayos, hindi ako titigil " aniya at alam kong nasa sa'kin pa rin ang tingin niya, habang ang tingin ko ay nasa baso na ng alak.
" Kuya mag-usap muna tayo " seryosong sabi ni Jaycee at lumabas ng walang paalam.
" 'Wag kang mag-alala Paisley, mag-uusap lang naman sila " sabi ni Xandra kaya kahit papaano ay nakampante ako.
Lumipas ang ilang minuto ay biglang nagsalita si Yanna " Paisley may tanong ako " sabi niya, kunot noo ko siyang tinignan.
" Ano 'yun? " takang tanong ko sa kaniya.
" Sa 2 years na pangungulit sa'yo ni Jayzer, hindi man lang ba bumalik 'yung feelings na meron ka para sa kaniya noon? " seryosong tanong niya,hindi ko alam kung anong trip at natanong niya 'to sa'kin.
" Tangina syempre hindi " mabilis na sagot ko. " Kinalabutan ka naman sa sinasabi mo " dugtong ko pa.
" Sure ka? " paniguradong tanong ni Xandra, isa pa'to sinakyan din naman ang trip ni Yanna.
" 200% sure " confident na sagot ko.
" Wala talaga? " ulit pa ni Xandra kaya tumango ako bilang sagot.
" We're curious lang naman, since alam naman nating lahat na nagbago talaga siya para sa'yo " sabi pa ni Yanna, hindi ko alam kung ano bang gusto nilang iparating.
" Well kasalanan to ng pinsan niya, nawala nang 2 years sa Pinas pero nandito pa rin 'yung feelings ko at hindi ko na alam kung paano siya mawala " sagot ko para matigil na sila.
" What if hindi na ikaw ang gusto niya, bibigyan mo ba ng second chance si kuya Jayzer? " tanong pa ulit ni Xandra.
" Tangina kilabutan ka nga sa what if mo, syempre hindi pa rin " sagot ko.
" Alam ko namang nagbago siya, pero alam kong we both deserve better " dagdag ko pa.
" Pero what if walang naganap na cheating, hindi ka siguro ganito ngayon " dagdag na what if ni Yanna, hilig talaga nilang dalawa mag what if.
" What do you mean na HINDI SIGURO AKO GANITO NGAYON? " iritang tanong ko, grabe naman 'to sila sa'kin.
" Siguro kung kayo pa'rin ni Jayzer, baka engage na kayo and baka happy ang life niyo " sagot pa ni Yanna.
" Pero nagcheat siya, kaya nagkandaletse letse na " sagot ko pa.
" Itigil niyo na 'yang what if niyo, hindi siya nakakatuwa " dagdag ko pa at uminom ulit.
" Itigil mo na rin ang kakainom, baka mauna ka pang mamatay sa parents mo pag ipinagpatuloy mo pa 'yan " saway ni Yanna at nilayo sa'kin ang alak.
" Yan nga ang goal eh " sagot ko at inubos ang alak sa baso ko bago pa kunin ni Yanna.
" Tangina ka " sagot ni Yanna sa sinabi ko.
" Hindi kami nakikipagbiruan te, bakit may pa ganun " inis pang dagdag ni Xandra, parehas silang masama ang tingin sa'kin. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin, siguro na patay na ako ngayon.
" Bakit parang ang tagal nung dalawa " sabi ko para maiba ang usapan, baka masampal pa nila ako.
Alam ko namang ayaw nila ng ganun, kaya ako na mag adjust." Te 'wag kang kabahan, hindi naman nila sasaktan ang isa't-isa verbally or physically " confident na sagot ni Xandra sa'kin.
" Pupuntahan ko na lang Sila para sure " sagot ko at agad na tumayo para pumunta sa office ni Jaycee rito sa Restobar niya.
" Sure ka? " tanong pa ni Xandra, tumango ako bilang sagot at agad na lumabas para wala na silang masabi at matigil sa kaka what if nila.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
أدب المراهقينGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...