CHAPTER 21

41 4 0
                                    

Paisley Shae Nevares's POV

~KINABUKASAN~

" Ang landi mo naman " komento ni Yanna, after kong ikwento ang nangyaring landian kagabi.

Wala kaming pasok  every weekend kaya heto si Yanna nandito sa bahay para makipagchikahan sa'kin.

" Inggit ka lang eh, pero sayang talaga hindi siya nagtagal sa bahay kasi tumawag sa kaniya si Jaycee" naghihinayang na sagot ko.

" Pupuntahan mo naman mamaya sa Condo niya, ang dami mo pang sinabi " iritang sabi niya sa'kin.

" Ano bang magandang dalhin na pasalubong? " tanong ko sa kaniya, kanina pa ako namomoblema eh. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung dalhin, dahil sure ako na maraming bawal sa kaniya ngayong may photoshoot siya.

" No need ng pasalubong, kung ikaw naman ang gusto ng papasalubungan mo " biro niyang sagot at binigyan ako ng mapanuksong tingin.

" Sige, ibabalot ko na lang ang sarili ko " sagot ko. Tinignan ko ang gulat niyang reaksyon kaya natawa ako.

" Ang landi mo talaga te, 'wag mong ibabalot ang sarili mo ah... Masyado ka pa namang masunurin " saway niya sa'kin.

" What if ibalot ko ang sarili ko, matutuwa kaya si Veronica? " curious na tanong ko, kahit na binibiro ko lang talaga siya.

" Tigil na te, binibiro ka lang naman pero mukhang balak mo talagang gawin " sagot niya na para bang napapagod na siya sa'kin.

" Gagawin ko talaga kung sa tingin mong magugustuhan ni Veronica " dugtong ko.

" Tangina te!, tumigil ka na " inis niyang saway.

" Kasalanan mo'to te, bakit mo kasi ako binigyan ng idea " paninisi ko pa.

" Kung alam ko lang na seseryosohin mo 'yung sinabi ko, hindi ko pala dapat sinabi sa'yo " sagot nito at halata namang ayaw niya magpatalo.

" Gawin ko 'yan sa honeymoon namin " tukoy ko sa idea niya.

" Wala pa nga kayong label, honeymoon agad iniisip mo " inis niyang sigaw sa'kin.

" 'Wag kang mag-alala, hintayin mo na lang ang update ko sa label namin " ngiting sagot ko.

Kaya talaga ako pupunta sa Condo ni Veronica para sabihin sa kaniya na  girlfriend ko na siya.

" Dapat lang na magkalabel kayo,  ang landi niyo na sa isa't-isa tapos wala pa kayong label " aniya na para bang  hindi talaga siya natutuwa.

" Makapagsalita ka sa'kin eh kay Veronica lang naman ako lumalandi " pagsasabi ko ng totoo.

" 'Yun na nga te,  nilalandi mo na pero wala pa rin kayong label "  diretsong sagot niya.

" Kumalma ka te,  nagmumukha kang broken na bitter eh " pagpapakalma ko sa kaniya.

" Hindi ako bitter at lalong hindi ako broken,  nagsasabi lang talaga ako ng totoo "  aniya,  hindi ko siya sinagot at baka lalong uminit and ulo niya. " Aalis na ako te,  alam ko namang MAS priority mo na si Veronica  kaysa sa'kin " dugtong niya pa at kinuha bag niya.

" 4 years ko na siyang priority te " utas ko at tinarayan niya lang.

Lumabas na kami ng kwarto,  para ihahatid ko siya sa kotse niya.

" Oo na te!,  pagod na pagod ko makipagchikahan sa'yo laging si Veronica bukambibig mo eh "   sagot niya,  alam niyang hindi siya mananalo sa'kin kapag nagsalita pa siya.

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon