Paisley Shae Nevares's POV
~AIRPORT~
" Bye Yanna, mag-ingat ka dito ah. Mauna na kami, at susunod na ang flight namin " paalam ni mommy kay Yanna bago sila magyakapan.
" Yes po tita " magalang niyang sagot. " Ingat po kayo " dagdag niya pa nang matapos ang yakapan.
" Bye ate Yanna! " masiglang paalam ni Rainley, nakakababata kong kapatid na lalake.
" Bye bunso " kaway ni Yanna kay Rainley.
Hinintay muna namin silang makalayo, bago nagsalita si Yanna.
" Ikaw naman, mag-ingat ka dun. Malay mo naman makahanap ka ng ipapalit kay Veronica " pabiro n'yang sabi sa'kin, dahilan para ikasira ng mood ko.
Nakakatuwa yun, minsan talaga kapag nagsalita s'ya hindi na nakakatuwa ang mga pinagsasabi.
" Yanna naman, 'wag na nating pag usapan 'yan. Nakakabad trip kaya " irita kong sagot sa kan'ya, ewan ko kung bakit naiinis ako. Dahil ata hindi maganda ang kinalabasan ng pag amin ko kahapon. Idagdag mo pa ang magdamag kong pag iyak, kaya hindi maganda ang tulog ko.
" Oo na! " pilit niyang sagot
" Pero may good news ako " sabay ngiti sa'kin. Ngiti palang hindi ko na alam kung good news ba talaga." Kung hindi lang rin maganda 'yang sasabihin mo, mas mabuting tumahimik ka na lang " irita kong sagot, kahit na hindi ako sure kung matinong balita ba talaga yung sasabihin n'ya.
" May masama bang good news te " sarkastikong sagot n'ya, kaya napairap na lang ako.
" Sabihin mo na lang , para makaalis na'ko " excited na kasi akong umalis.
" Confirm na dili uyab ni Veronica si Xandra (confirm na hindi jowa ni Veronica si Xandra) " proud niyang balita sa'kin.
" Single ba si Veronica? " nag aalangan man ay tinanong ko pa rin kung single ba s'ya. Ano bang malay ko, tahimik lang 'tong si Yanna pero mas marami pa s'yang alam sa'kin lalo na pagdating sa mga ganitong bagay.
" Oo te! " mabilis niyang sagot
" Sana pala pinaalis mo kahapon si Xandra. Malay mo may pag asa ka talaga. " dagdag niya pa, na ik'wento ko na sa kan'ya ang nangyari nang bigla s'yang tumawag kagabi.Yawa, single naman pala eh.
" Okay na yun, wala ring silbi yung pag-amin ko kung hindi n'ya din naman ako gusto " malungkot kong sagot, masakit umasa sa wala.
" Sabagay, ikaw na nga mismo nagsabi na imposible na magkita kayo ulit " pagsang-ayon n'ya, kaya tumango ako.
" Pwede na ba akong umalis te." pag-iiba ko sa usapan 'saka s'ya binigyan ng magandang ngiti. Baka mapasarap ang tsismisan maiwanan pa'ko.
" Goodbye, ingat ka ah " paalam niya, 'saka kami nagyakapan para mag paalam sa isa't-isa.
" Ikaw din mag ingat ka lagi " sagot ko, saka nagsimulang maglakad hila hila ang malaking maleta na dala ko.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...