CHAPTER 20

42 3 0
                                    

Paisley Shae Nevares's POV

~ONE MONTH LATER~

" Paisley! magdidinner kami, gusto mong sumama? " tanong ng ka officemate ko na si ate Lyka.

Kaka out lang namin sa work, isang buwan na ako rito sa Company at hindi naman ako nahirapan kausapin ang mga ka officemate ko. Lalong hindi ako nahirapan sa work buti na lang  15 years old pa lang ako inaaral ko na ang mga dapat ko gawin dito sa Company namin kasi utos 'yun ni Daddy.

" Kayo na lang po ate, kailangan ko na po kasing umuwi eh " sagot ko.

Uwing-uwi na ako dahil miss ko na Veronica, kada lumilipas ang araw lalo akong nangungulila sa kaniya.

" Sige next time na lang, ingat ka pauwi " paalam ni ate Lyka.

Hindi nila alam na anak ako ng boss nila, buti na lang at mabait lahat ng empleyado ni Daddy  dahil kung hindi ay may mawawalan ng trabaho. Ginawa akong spy ni Daddy, gusto niya kasing malaman kung meron bang hindi maayos magtrabaho or inaasa sa iba ang trabaho nila.

" Enjoy po sa dinner niyo, ingat din po kayo  " sagot ko at  sinundan  niya ang mga kaofficemate namin.

Habang ako ay pumuntang parking lot para makauwi na.

* KRINGGGG *

" Hello?" sagot  ko sa phone ng nakasakay ako sa kotse ko. Hindi ko alam kung sino ba 'yong tumawag dahil basta ko na lang pinindot ng hindi tinitignan.

" Paisley? " nabitawan ko ang manibela ng narinig ang boses ni Veronica, yawa boses niya pa lang naghihina na naman ako.

" Hi!, Veronica " masiglang sagot ko sa kaniya. Ang tanga naman Paisley, bakit naman kasi hindi tinitignan kung sino ang natawag.

" Pauwi ka na ba? "  tanong niya, hindi ko alam kung bakit ang ingay sa linya niya. 

" Oo, nakalabas na ako ng Company " sagot ko habang focus sa pagdadrive.

" Later na lang Paisley, ingat sa pagdrive "  paalam niya. 

" Bye " paalam ko at itinuon ulit ang tingin sa daan, itutuloy ko na lang mamaya sa bahay ang kilig ko.

Ayokong maaksidente ulit  ako kahit na alam kong sinadya kaming banggain ng araw na 'yon,  mas maganda na rin iyong mag-iingat ako sa pagdrive.

30 MINUTES LATER...

" Finally nakarating din " utas  ko sa hangin paglabas ng kotse.

Buti na lang at hindi traffic kaya hindi ako aabutin ngayon ng 1 hour bago makarating dito sa bahay.

" Hija, may bisita ka " sabi sa'kin ng isa sa kasambahay namin ng makapasok ako ng bahay.

" Thank you po  " iyon na lang ang naisagot ko, taka kong pumunta ng sala. Hindi naman nagsabi sa'kin si Yanna na pupunta siya dito ngayon.

" Yanna, akala ko ba bukas ka pa pupun- " natigil ako sa pagsasalita ng mapansing hindi si Yanna ang taong nakatalikod sa 'kin. 

Bigla akong kinabahan, hindi na ako nakaalis na kinatatayuan ko at hinihintay itong humarap sa'kin. Kung hindi ko man ito kilala tatakbo talaga ako palabas ng bahay.

" SURPRISE! "  gulat  kong tinignan ang taong humarap sa'kin.

Yawa, anong ginagawa niya rito?. Ang lakas naman ng loob niyang pumunta rito sa bahay.

" Hi " bati niya ulit nang wala siyang nataganggap na reaction  or salita man lang galing sa'kin.

Lord tabang, huhuhuhu

" Bakit ka nandito? " takang tanong ko sa kaniya.

" Para bisitahin ka "  sagot niya at lumapit sa'kin, dahil hindi na nga ako nakaalis sa kinatatayuan ko.

" Bakit hindi ka nagsasalita, galit ka ba sa'kin?  "  tanong niya ng nakalapit siya sa'kin.

" Nakakainis ka, kinabahan pa ako tapos ikaw lang pala 'yan " iritang sagot ko.

" Kababalik ko lang, inaaway mo na  agad ako " natatawang sagot niya, nakakatawa  ba 'yong sinabi ko.

" Kaya  pala maingay kanina, 'yun pala nandito ka na sa Manila " pag-iiba ko ng usapan, hindi ko naman siya inaaway eh.

Hindi siya nagsalita at tahimik na niyakap ako.

" I miss you " malambing niyang sabi, feel ko pulang-pula na ang pisngi ko dahil sa kilig.

" I miss you more " sagot ko ng bumitaw sa yakap niya.

" Kailan ka pa nakabalik? " tanong ko, yawa hindi ko talaga ine-expect na makikita ko siya ngayon.

Sinabi ko lang  naman kaninang umaga na miss ko na siya, grabe naman 'yun nandito na agad siya Manila.

" Kanina lang, dumiretso na ako rito "  sagot niya.

" Pero bakit hindi ko naman nakita 'yung kotse mo sa labas? "  ngayon ko lang naalala na kung dumiretso siya rito, bakit hindi ko man lang napansin ang kotse niya.

" Hinatid ako nila Jaycee, babalikan daw nila ako mamaya " sagot niya ulit at inakbayan ako.

" Pasalubong ko? " pabirong tanong ko sabay lahad ng kamay ko.

" Anong gusto mong una kong ibigay? " tanong niya pabalik. 

" Ano bang dala mo? " tanong ko ulit at tinignan ang paligid kung may bitbit ba siya papunta rito. 

" Heto " pagkasabi niya ay agad ko siyag hinarap, gulat kong nagtama ang mga labi namin.

" 'Yan ang pasalubong ko " aniya habang ako ay hindi makapaniwala dahil sa ginawa niya.

" Ang sabi ko pasalubong, hindi kiss " iritang sabi ko pero mahina lang at baka may makarinig.

Parang tanga naman kasi, bigla-biglang nanghahalik... Dapat kasi nagsasabi siya para ready ako sa kiss niya.  Ang landi mo talaga Paisley.

" Ito na talaga " at ibinigay sa'kin ang malaking paper bag. Napangiti ako nang  napansing puno ito ng pagkain.

" Oyy, thank you " pasalamat ko, kukunin ko na sana sa kaniya ang paper bag pero pinigilan niya ako.

" Ano na naman ba? " iritang tanong ko.

Oo miss ko siya, pero pagkain na ang kaharap ko kaya sorry na agad.

" Kiss muna " utos niya at ngumuso,  tumingkayad ako at humalik sa labi niya.

Syempre ikikiss ko siya,  hindi  ako aangal dahil siya na 'yan eh.

" Okay na? " tanong ko at walang pasabing kinuha ang paper  bag sa kaniya.

" Pagkain o ako? " tanong niya ulit, yawa naman tinatanong pa ba 'yan.

" Bakit ako pipili kung pwede namang both " ngiting sagot ko, habang siya ay natahimik. Hindi niya 'ata inaasahan ang magiging sagot.

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon