CHAPTER 34

8 1 0
                                    

Paisley Shae Nevares's POV

" Anong meron bakit nandito kayong tatlo?" bungad na tanong ko sa kanilang tatlo at ininom ang tubig na nasa lamesa.

" She's here " tipid na sabi ni Yanna, taka ko siyang tinignan.

" Paisley " agad kong nilingon  ang pamilyar na boses.

" Veronica? oh nakalimutan kong wala siya sa Pinas, lasing na yata ako Yanna " wala sa sariling sabi at agad tinungo ang kwarto ko.

" Kung may gusto kayong pag usapan, bukas na lang gusto ko nang matulog. " paalam ko, ngunit napatigil ako sa nakita ko.

" What are you doing here? " takang tanong ko at  nagloloading pa talaga ang utak ko kung si Veronica ba talaga ang nasa harap ko.

" I'm here to be with you again " aniya at ako itong naiiyak sa hindi malaman na dahilan, tangina ang tagal naming hindi nagkita at sa ganito sitwasyon niya pa talaga ako makikita.

" Pwede bang bukas na tayo mag-usap? " tanong ko sa kaniya nang hindi siya tinitignan.

Nilapitan ako ni Yanna at inabot ang bag ko, malungkot ko siyang tinignan. Hindi ako nakatanggap nang sagot mula kay Veronica kaya humingi ako nang malalim bago bago siya harapin.

" I'm sorry pero wala na talaga ako sa wisyo makipag usap ngayon, sana maintindihan mo. Matulog ka na lang muna sa kwarto mo don't worry malinis 'yun, tapos bukas na tayo mag usap " mahinahon na sabi ko sa kaniya at agad na sinara ang pintuan.

May naririnig pa akong ingay mula sa labas pero hindi ko na lang ito pinansin at agad na nag half bath, masyadong nakakapagod ng araw na 'to.

   

KINABUKASAN


Nagising ako dahil sa tunog nang phone ko, agad akong bumangon at sinagot ang tawag. 

" What's wrong? " matamlay na sagot ko sa tawag.

" Nag-usap na ba kayo ni Veronica? " tanong ni Yanna, dahilan para ikagising nang natutulog kong diwa.

" She's here? " takang tanong ko. So 'yung nakita ko kagabi ay totoo?

" You even tell her na mag stay sa room niya, for sure hinihintay ka na lang niya magising " sagot niya kaya agad akong pumunta sa pintuan.

She's right, nasa sala si Veronica nakaupo habang may kinakalikot sa phone niya.

" You're awake, the breakfast is ready you can take a bath first then we can eat and talk " aniya at ngumiti sa'kin, 2 years had been past, but she still treat me like before.

'' Kumain na tayo, mamaya na ako maliligo " sagot ko at agad na tinungo ang kusina, nagutom ako bigla dahil sa niluto niya.

" So kailan ka pa nakabalik dito sa Pinas?" tanong ko bago isubo ang pagkain na niluto niya.

'' Last night lang, then dumiretso na ako rito " sagot niya kaya tango lang ang nagawa ko habang inuubos ang pagkain, pero sa totoo lang ay naiilang na ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon, hanggang ngayon ay naguguilty pa rin ako sa ginawa kong pakikipag break sa kaniya at kung sakaling naka move on na siya ay naiintindihan ko yun. 

Sa dalawang taon na nawala siya, eh malamang makakamove on talaga siya. 

" Don't worry ipapahakot ko yung gamit  bukas, para makapag stay ka na talaga rito" sagot ko at binilisan ang kain.

" No need to do that, sayo naman to nakapangalan kaya hindi mo na kailangang umalis " aniya na ikinagulat ko.

" Tama ba talaga ang narinig ko o nabibingi na ako? Sa akin naka pangalan ang bahay na'to? kailan pa? Kaya ba hindi mo ako hinayaang umalis dito dahil sa'kin 'to nakapangalan? " sunod-sunod na tanong ko.

" You never ask me" aniya na kinainit nang ulo ko, hindi pa rin siya nagbabago. Alam niya pa rin kung pano painitin ang ulo.

" Aga-aga pinipikon mo ako, hindi na lang sumagot nang ayos " mataray na sagot ko.

" Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako bumalik dito " pag iiba niya nang usapan na ikinatahimik ko.

Bakit ko pa siya tatanungin? 

" Oh bakit nandito ka? " tipid na tanong ko pero deep inside ay gusto ko ring malaman kung bakit siya nandito.

" To be your girlfriend "  aniya na ikinagulat ko, ang kaninang kalmado kong puso ay nagwawala na ngayon dahil sa sinabi ni Veronica.

" Stop joking " tipid na saway ko sa kaniya at hindi pinahalata na naapektuhan ako sa sinabi niya.

" Kailan ba ako nagbiro nang ganito sa'yo Paisley? " aniya, kaya pati tuloy ako ay napaisip kung kailan ba siya nagbiro.

" Nambibigla ka naman kasi eh, kababalik mo lang tapos gan'yan ibubungad mo " diretsong sagot ko sa kaniya.

" I'll do everything para lang bumalik ka sa'kin Paisley, hindi ko na hahayaang makipaghiwalay ka sa'kin " aniya at dahan-dahang tumabi sa'kin. " Sapat na siguro yung success na meron ako para payagan ni tito ang relasyon natin " dagdag niya pa, at ito akong si tanga ay umiiyak na dahil sa sinabi niya.

" Veronica " iyon lamang ang lumabas sa bibig ko at agad siyang niyakap nang mahigpit, humahagulgol ako habang hindi pa rin bumibitaw sa yakap niya.

I miss her so much...

" Can you be my girlfriend? " seryosong tanong niya nang kumalas sa yakap niya.

Umiiyak akong tumango sa kaniya, hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari sa'min.

Hinawakan niya  nang marahan ang pisngi ko. " I love you so much " aniya at malapad na ngumiti sa'kin. " I love you so much, thank you for coming back " sagot ko.

" Can I kiss you? " aniya na ikinatawa ko.

" Ba't hindi na—"  hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay agad niya akong hinalikan.

GIRLFRIEND (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon