Paisley Shae Nevares's POV
~ONE MONTH LATER~
" Mommy! " tawag ko habang pababanang hagdan. Wala akong natanggap na sagot, kaya agad akong nagtungo sa kusina.
" Mommy, nasa labas na po 'ata ang bisita ninyo " sabi ko sa kaniya ng
marating ang kusina. Nakita ko silang busy ni Ya Nina, ang katiwala mula
noon hanggang ngayon." Ikaw na munang bahala sa kanila nak, malapit na kaming matapos ni Ya Nina " agad na sagot ni mommy,
'saka ipinagpatuloy ang pagluluto." Okay po " sagot ko, at nagsimulang
lumakad palabas ng bahay. May
kalayuan ang bahay namin mula sa
gate, kaya tumakbo ako nang
makarating agad sa gate. Pagpasok
kasi mula sa gate, bubungad sa'yo angmalawak na lupain at hardin, bago
marating ang bahay.Agad kong binuksan ang malaking
gate at sinenyasan ang kotseng puti natumuloy. Wala kasi ang bantay namin dito, isinama ni Daddy sa kung saan.Hinintay ko munang maiparada ng ayos ang kotse nang maisara ko na
ang gate. Hindi pa man ito tuluyang
nakapasok ay huminto ito sa harap
ko, taka kong tinignan ang dahan-dahang pagbaba ng bintana nito." Paisley, 'wag mo munang isara
ang gate. May kasama pa kaming
nahuli! " bungad sa'kin ng mala
anghel na mukha ni Xandra.Tinanguan ko siya bilang sagot, at
hinayaang bukas ang gate. Si Xandra
pala ang bisita ni Mommy, sino
naman kaya ang mga kasama nito?.Nakapag parada na ng ayos ang kotse, hinihintay ko na lang na lumabas si
Xandra. Bago pa man siya makalabas, nabaling ang tingin ko sa kabilang banda nang lumabas ang babaeng
nakawolf cut ang gupit gaya nang kay Veronica." Jaycee? " tawag ko sa babae, hindi ko alam siya ba talaga iyon. Nakatalikod ito mula sa akin kaya hindi ko alam kung siya nga ito.
" You're right, I'm Jaycee Rain
Alvares a.k.a JR- " hindi pa man
tapos ang pagpapakilala niya nang
hampasin siya sa braso ni Xandra, si Jaycee nga." A-aray naman love! " daing nito. I smell something fishy, hindi 'to normal na landian.
" Stop it " inis na saway ni Xandra,
bago ako tignan at binigay ng maganda ngiti. Confirm na may something sa kanila." Magkakilala ba kayo nito
Paisley? " tanong ni Xandra sa'kin
sabay turo kay Jaycee." Oo pre-school to highschool
classmate ko siya " sagot ko. Si
Jaycee ay classmate namin ni Yanna
noon, kilala rin ang pamilya nila dito sa Cebu.Kung ano man ang relasyon niya kila
Xandra ay hindi ko alam, hindi ko naman kasi ine expect na makikita siya at kasama pa talaga sila Xandra." Hindi mo naman sinabi na isang Paisley Shae Nevares ang pupuntahan na'tin " hindi makapaniwalang sabi ni Jaycee bago ako lapitan.
" Hindi ko naman kasi alam na magkakilala pala kayo " sagot ni Xandra at nilapitan rin ako.
" Sino ba ang hindi makakakilala sa isang Paisley Shae Nevares... Eh kilala siya bilang tirador ng Alvares at Cibrina Family dito sa Cebu" mapang asar na sabi ni Jaycee, pinagsasabi nito. Grabe wala pa ring pinagbago, puro kalokohan ang mga pinagsasabi.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...