Third Person's POV
" Sir, sasabihan ko lang po si Ma'am Paisley na nandito po kayo " paalam nang secretary ni Paisley. Ang matandang Nevares ay kasakuluyang hinihintay na bumalik ang anak nitong babae galing sa meeting.
" Dad, ano pong ginagawa niyo rito? " hindi pa man nakakalabas ang secretary ay dumating na rin si Paisley, sinenyasan niya ang secretary niya na pwede na itong lumabas. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at kaba nang makita ang ama.
" I wan't you to meet my business partner with me toninght, wear that dress later" walang paligoy-ligoy na sabi nang matanda at agad na nituro ang paper bag na nakapatong sa table niya.
" Pe—" hindi pa man tapos magsalit si Paisley ay agad na itong pinutol nang ama niya. " Papayag ako sa gusto mong mangyari kay Rainley, kapalit nito ay sasama ka sa'kin mamayang gabi " sagot nang ama na ikinatahimik ni Paisley.
Ang tinutukoy nito ay ang kagustuhan ni Paisley na hayaan nang ama nila ang kaniyang kapatid sa gusto nitong gawin sa buhay at hindi para pag aralan kung paano patakbuhin ang kompanyang iniingatan ng ama nila. Ayaw niyang maranasan nito ang naranasan niya sa ama nila.
" Sige po, isend niyo na lang 'yung location pupunta ako mamaya " napipilitang pagpayag ni Paisley at agad pumunta sa upuan niya, sinimulang buklatin ang mga papers na dapat niyang basahin at pirmahan. Hindi niya na pinansin ang ama at hinayaan itong umalis nang tahimik.
" Tangina talaga " mura sa hangin ni Paisley nang nakaalis ang kaniyang ama.
Bakas sa mukha nang dalaga ang pagkainis.
THE NIGHT AT THE HOTEL....
Wala sa mood na naglakad papasok ng hotel si Paisley kasabay nito ang kaniyang ama. Sinundan niya lang ito hanggang sa narating nila ang venue hall
" 'Wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa'yo nak " sabi nang matanda pa man sila pumasok sa room.
" Opo dad " diretsong sagot ni Paisley kahit na labag talaga sa loob niya sumama sa ama niya, hndi naman ito ang unang beses na sumama siya para makita ang paboritong business partner ng kaniyang ama kaya wala na rin siyang magagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto nitong mangyari.
Tahimik na tinignan ng dalaga ang mga taong nasa paligid at hindi pa man nagtagal ay may lumapit sa kanila na isang lalaki ang business partner na tinutukoy ng ama ni Paisley.
" Sorry, We're late " hinging paumanhin ng ama ni Paisley at nakipag kamay ito bilang pagbati.
" Okay lang, maupo muna kayo at magsisimula na rin " sabi nang matandang lalaki at agad silang sinenyasan na maupo.
Kinabahan bigla si Paisley nang tinignan siya nang matandang lalaki at malapad na ngumiti sa kaniya, walang magawa si Paisley kaya nahihiya siyang ngumiti rito pabalik.
" Kamusta ang pamamalakad sa kompanya iha? " tanong nang matanda.
" Okay lang naman po " tipid na sagot ni Paisley, nawalan lalo nang gana si Paisley dahil sa tanong nang matanda. Sa tuwing magkikita sila ay laging tinatanong kung kamusta ang pamamalakad niya sa kompanya at susudan ito nang mga paalala kung paano mapalakad ng ayos ang kompanya.
" Good evening, ladies and gentlemen, as the 100th anniversary celebration of Cib Corporation approaches. I would like to call on the CEO, Mr. Alex Vasquez, to please give a round of applause. " masiglang sabi ng host.
Masayang pumalakpak ang mga tao sa paligid, habang si Paisley ay tahimik na pinapanood ang pag akyat ng matandang Vasquez sa stage.
" Good evening, everyone. As we celebrate this 100th year of Cib Corporation, I would like to announce that I'm passing the CEO position to my beloved daughter, Veronica Cibrina Vazquez. " masayang sabi nang matanda at pumalakpak ito habang nakatingin sa papaakyat na anak.
Agad na nilingon ni Paisley ang babaeng naka suit habang ito ay papaakyat sa stage. May mga sinasabi pa ang matandang Vasquez pero ang pokus ni Paisley ay sa pinakamamahal niyang babae na ngayong nasa stage na kasama ang ama nito.
Hindi ito makapaniwala sa narinig at nakita niya ngayon,hindi nito namalayan na may nangingilid na luha sa magkabilang pisngi niya. Pasimple niya itong pinunasan gamit ang kaniyang panyo at binalik ang tingin kay Veronica na ngayong nagsasalita na rin.
Hindi na naiintindihan ni Paisley kung ano man ang sinasabi ni Veronica, dahil sa sobrang tulala sa mukha nito kahit na medyo malayo sila sa stage. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang maramdaman ngayon.
Nabalik sa reyaldad si Paisley nang palihim siyang tapikin ng ama niya.
" Do you know that she's a Vasquez? " takang tanong ng ama niya, kaya umiling siya rito at binalik ang tingin kay Veronica.
" I don't know that she's a Vasquez, kung alam ko lang edi sana magkasama pa rin kami hanggang ngayon " sagot ni Paisley habang hindi inaalis ang tingin kay Veronica, takot siya baka masama na ang tingin sa kaniya nang kaniyang ama.
Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin ang event, si Paisley ay tahimik na pinapanood si Veronica na makipag kamay sa mga tao at nabaling ang kaniya atensyon niya sa papalit na ama ni Veronica.
" Congratulations to your beautiful and successful daughter, Mr. Vasquez " bati nang ama ni Paisley at agad itong nakipag kamay.
" Parang hindi niya kami pinaghiwalay ah " mahinang sabi ni Paisley sa hangin at napairap dahil sa sinabi nang ama niya.
" How come you'll never say that you've got a daughter? " takang tanong ng ama ni Paisley.
" She wants to be successful on her own, so I'll let her be on her own... Kaya natutuwa talaga ako nang pumayag siyang pumalit sa pwesto ko " natutuwang sabi ng ama ni Veronica kaya napatango na lang si Paisley habang nakikinig sa dalawang matanda.
Natigil siya sa pakikinig sa dalawa nang napansin niyang papunta sa gawi nila si Veronica, nakangiti niya itong tinignan.
" Good evening Mr. Nevares " magalang na batu ni Veronica at agad itong umakto na magmamano kaya inayos ng ama ni Paisley ang kaniyang kamay.
" Good evening iha " bati pabalik ng ama ni Paisley, tinignan ni Veronica si Paisley kaya ngiti siyang tinignan pabalik ni Paisley.
" Long time no see Paisley " ngiting bati ni Veronica, takang tinignan ni Paisley si Veronica. Magkasama pa kasi sila kanina sa bahay ni Veronica pero hindi niya inaasahan na rito niya pa makikita si Veronica.
" Congrats Veronica " bati nito at niyakap ito. Ramdam ni Paisley na masama na ang tingin sa kaniya ng ama niya, pero hindi niya na lang ito pinansin.
" We need to talk later " mahinang bulong ni Paisley bago pa man siya kumalas sa yakap ni Veronica.
" Maiwan ko po muna kayo dad " paalam ni Veronica. Tumango ito sa dalawang matanda bilang paalam at agad na tinignan si Paisley, ngumiti muna ito bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...