Paisley Shae Nevares's POV
" Bakit po? " takang tanong ko, gusto kong malaman kung bakit ako at ano ang dahilan para isama niya ako pabalik ng Manila. Nagbago ba ang isip niya??. Imbes na manatili ako rito sa Cebu ay babalik akong Manila para sa ano at bakit??
" Kailangan mo nang magtrabaho agad sa ayaw man o sa gusto mo dahil sa mismong birthday mo ay iaannounce kong ikaw ang susunod na CEO ng kompanya na'tin " diretsong sagot nito sa'kin. Gulat ko siyang tinignan, hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon.
Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero wala akong lakas na loob na magtanong, wala akong magagawa kundi sundin ang utos niya kahit labag pa ito sa loob ko. Pero kailangan kong magtanong kahit takot ako sa pwedeng mangyari sa'kin.
Pumikit ako para humugot ng lakas loob na itanong sa kaniyang " Paano po pag ayaw kong magtrabaho? " maingat na tanong ko. Nagsisi akong tinanong ko 'yun nang nakitang lalong sumeryoso ang mukha ni Daddy... Yawa ka naman Paisley.
" Magtatrabaho ka o ipapakasal kita sa anak ng business partner na'tin? " babala niyang tanong kaya hindi ko magawang sumagot agad. Nanghina ako bigla dahil hindi ko inaasahang may balak siyang ipakasal ako at ang nakakainis dun ay sa anak ng business partner pa niya.
Tama nga ang what if ni Yanna, hindi na dapat ako nagtataka dahil karamihan sa pamilya namin ay naka arrange marriage lang, swertihan na lang ng mga mapapangasawa. Yawa ang sakit...
Ito ang kinakatakot ko sa kaniya dahil magagawa niya akong ipakasal kahit sa taong hindi ko naman mahal. Hindi niya man lang tinanong sa'kin kung papayag ba ako, dahil mas importante sa kaniya ang Company namin kaysa sa'kin.
" Kapag po ba nagtrabaho ako ay papayag kayong magkaroon kami ng relasyon ni Veronica? " tanong ko rito. Alam kong tutol siya sa'min ni Veronica kaya nagagawa niya ito, dahil nung huling pag uusap namin ay dito ako mananatili sa Cebu para imanage ang mga naiwang negosyo nila Lola at Lolo dahil wala na sila at hindi niya naman kayang pagsabayin ang pag manage nito. Sinabi niya pang siya ang bahala sa Company namin sa Manila, kaya pumayag ako rito.
" Hindi ko masisigurado iyan " sa sagot niya pa lang ay nasisiguro kong hadlang nga siya samin, at sobrang sakit ng pagkakasabi niya ay tagos ito hanggang puso ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagsimulang bumagsak ang luhang kanina pa gustong bumagsak. Sobrang hirap pigilan ang luha ko, masakit pala talaga na marinig mula sa kaniya na ganun ang isasagot niya sa'kin.
" Ba-bakit Daddy? " 'saka pinunasan ang mga luha ko " B-bakit ayaw n-niyong pu-pumayag?? " utal kong tanong pero wala akong nakuhang sagot. " Da-dahil ba hindi niyo matanggap na ganito ako?? Na ang anak niyo ay may gusto sa kapwa babae?? " nanghihinang tanong ko rito at hinayaan ang sarili umiyak nang umiyak sa sarap niya.
Ang dami kong tinanong pero ni isa hindi man lang siya makasagot.
" Bata ka pa Paisley, pwede pang magbago ang isip mo... Malay mo ay makahanap ka ulit ng lalakeng mamahalin mo, ang lalakeng magmamahal talaga sa'yo ng tunay " diretsong sabi niya, dahilan para lalo akong mainis. Alam niya ang nangyari ng magkaroon ako relasyon sa lalake, at umaasa pa rin siya na magkakarelasyon kahit sobrang nasaktan ako.
Sumagot nga siya, pero ni isa sa tanong ko ay hindi niya nasagot... Nakakabaliw 'yung sagot niya sa'kin, para bang ganun lang kadali makahanap ng taong mamahalin ka.
" No daddy dahil nung nagmahal po ako ng lalake sinaktan lang ako, please gusto ko pong malaman kung magiging okay ba ang relationship namin ni Veronica... Kasi kung hindi talaga ay never na'kong magmamahal at ready akong maging matandang dalaga kung magkataon man " mahabang sagot ko, seryoso ko siyang tinignan kahit na patuloy ako sa pag iyak.
Gusto ko lang subukan kung magiging ayos ba ang relasyon namin, dahil 'dun naman talaga ang gusto ko... Gusto kong magkaroon kami ng relasyon ng Veronica, hindi ako papayag na mawala siya sa'kin.
" Paano kung kagaya rin siya ng pinsan niya at magloko rin siya sa'yo" sa pagkakasabi niya ay para bang sigurado siya na magloloko si Veronica.
" Opo magpinsan sila pero hindi ibig sabihin nun ay cheater na rin siya. Magkaiba sila ni Jayzer , please Daddy kilala niyo naman si Veronica bakit ganyan kayo magsalita " sagot ko habang pilit pinapakalma ang sarili sa inis.
" Daddy kita pero bakit hindi niyo po magawang suportahan kami ni Veronica gaya ng pagsuporta ni Mommy sa'min? " dugtong na tanong ko nang hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Hinayaan ko ang sariling kong ilabas lahat ng luha ko sa harap niya, nagbabasakaling magbago ang isip niya na baka maawa siya at tanggapin ang magiging relasyon namin.
Lumipas ang ilang minuto at hagulgol ko lamang ang tanging ingay na bumabalot sa Office room ni Daddy, at hindi ko alam kung bakit hindi ako nauubusan ng luha kahit na grabe ang pag iyak na ginawa ko.
" Kung hindi niyo kami susuportahan ay handa akong mawalan ng mana, pero hindi ako papayag na mawala sa'kin si Veronica." seryosong sabi ko.
" Lalabas na po ako " paalam ko pa at lumabas ng kwarto habang pinupunasan ng palad ang mukha kong luhaan.
Pagkalabas ko ng kwarto bumungad ang alalang mukha nila Mommy at Rainley, ngumiti ako para hindi sila mag aalala sa'kin at dumiretso sa kwarto. Ayokong sa kanila ko maibuhos ang sakit ng nararamdaman ko, at hindi rin ako sanay na nakikita nila akong ganito.
Sana ay hindi narinig ni Rainley ang usapan namin, dahil masyado pa siyang bata. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko kay Daddy, dahil dapat puro saya lang memoryang meron siya at hindi gaya ko na lumaki para lang patunayan ang sarili ko na karapat dapat akong maging tagapagmana nila.
" Ate?! " rinig kong tawag ni Rainley.
" 'Wag kayong mag alala ni Mommy, okay lang ako! " sigaw kong sagot at agad niyakap ang teddy bear ko, para hindi makagawa ng ingay. Hinayaan ang sarili na ilabas lahat ang luhang hindi maubos ubos.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, akala ko ay walang hahadlang na pamilya pero nagkamali ako. Bakit sa lahat ng hahadlang si Daddy pa.
Ang sakit pala talaga na mismong ama mo ay hindi tanggap kung ano at sino ka.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND (GXG)
Teen FictionGIRLFRIEND(GXG) Paisley Shae Nevares, a lovely woman fell in love with Veronica Vien Cibrina a tomboy. She had the confidence to confess her love to her, because she believed they would never see each other again. However, a surprising turn of even...